Pres. Duterte nagtataka kung bakit hindi rekomendado ng FDA ang Sinovac sa mga health workers

Screenshot mula sa RTVM video
  • Ipinagtataka ni Pang. Duterte ang rekomendasyon ng FDA na hindi puwede sa mga health workers ang Sinovac COVID-19 vaccine
  • Sa Indonesia, ang mga health workers ay binakunahan ng Sinovac vaccine
  • Nilinaw ng FDA na bagama’t hindi rekommended ay hindi naman ipinagbabawal ang paggamit ng Sinovac sa mga health workers

Labis na nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi rekomendado ang Sinovac COVID-19 vaccine sa mga health workers na madalas na nae-expose sa COVID-19 patients.

Imahe mula sa The Rio Times

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinatawag umano ng Pangulo si FDA chief Eric Domingo upang pagpaliwanagin sa ginawang rekomendasyon gayong nabigyan na ng ahensya ang Sinovac ng emergency use authorization (EUA).

“Si Presidente po mismo nagtataka bakit naging ganun nga ang EUA ng FDA. At ipinatawag po talaga si Secretary Domingo nung huling Cabinet meeting. Pinapunta po si Sec. Domingo,” ani Secretary Roque.

“Naiparating ni Presidente ‘yung kanyang pagtataka kung bakit may ganitong colatilla. Nirerespeto po ng Presidente ang opinyon ng mga experts. Kaya let the colatilla remain. Pero, ang tanong niya ay bakit kinakailangang mag-colatilla kung ang WHO mismo ang nagsabi 50% efficacy is acceptable?” sabi pa niya.

Tinanong umano ni Pangulong Duterte si Domingo kung ang ibang bansa ba  na gumamit na ng Sinovac ay ginamit iyon sa mga health workers. Ang sagot daw ni Domingo sa tanong ay hindi niya alam.

Imahe mula sa PCOO

Sinabi ni Roque na siya na mismo ang naghanap ng kasagutan sa tanong ni Pres. Duterte at napag-alaman niya na ang Indonesia ay gumamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa health workers nila.

“I personally gone out of my way and I found out that countries like Indonesia have also used Sinovac on their health care workers,” aniya.

Sinabi pa ni Roque na binigyang-linaw ni Domingo na bagama’t hindi rekommended ay hindi naman ipinagbabawal ang paggamit ng Sinovac sa mga health workers.

Kung nais daw ng health workers na magpaturok ng Sinovac ay puwede naman silang iniksyunan nito.

Imahe mula sa Sinovac Biotech
Source :

YouTube, CNN PH

Loading…