Pres. Duterte, personal na sasalubungin ang pagdating ng Sinovac vaccines mula sa China

Screenshot mula sa RTVM video
  • Parating na ang 600,000 Sinovac COVID-19 vaccines sa bansa
  • Nais ni Pang. Duterte na personal na salubungin ang pagdating ng mga bakuna bilang pagtanaw ng utang na loob sa tulong na ipinagkaloob ng China
  • Ang pagtanaw ng utang na loob ay wala umanong epekto sa mga isyu na makaaapekto sa Philippine-China bilateral relations katulad ng hindi pagkakaunawan sa teritoryo sa West Philippine Sea

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin ang pagdating ng 600,000 doses ng  Sinovac COVID-19 vaccines na donasyon ng China.

Imahe mula sa The Rio Times

Ipinabatid ni Presidential Spokesperson na ang intensyon ng Pangulo ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa tulong na ipinagkakaloob ng China sa Pilipinas sa panahon ng health crisis.

“Sa ating panahon ng pangangailangan, talaga naman iyong kaibigan nating Tsina ang nagpadala ng unang bakuna sa atin. So, hindi mo matatanggal sa Pilipino na tumanaw ng utang na loob,” pahayag ni Secretary Roque.

“Talagang sinabi ni Presidente na talagang nais niyang salubungin ang pagdating ng Sinovac. Barring any glitches, nais pong sumalubong ni Presidente at magkakaroon siguro ng kaunting seremonya dahil ito po ay donated by the People’s Republic of China,” wika pa ng tagapagsalita ng Pangulo.

Nilinaw ni Sec. Roque  na ang pagtanaw ng utang na loob ay walang epekto sa mga isyu na nakaaapekto sa Philippine-China bilateral relations katulad ng hindi pagkakaunawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Imahe mula sa PCOO

Wala naman pong epekto ‘yan sa ibang mga issue na meron tayo sa ating bilateral relations sa Tsina. Nagpapasalamat lang po ang Presidente dahil sa panahon ng pagsubok, Tsina naman ang nag-deliver,” paliwanag niya.

Patuloy pa rin daw na ipaglalaban ng Pangulo ang karapatan sa teritoryo ng bansa.

“Ipaglalaban natin ang dapat ipaglaban, pero hinding-hindi tayo magiging ingrato,” giit pa ni Roque.

Ipinahayag ni Helen Yang, ang general manager ng Sinovac biotech na ang mga bakuna ay malapit nang dumating sa bansa dahil  ginagawa na ang preparasyon dito. Aniya, maaaring mai-deliver na ang mga ito ngayong linggo o sa susunod na linggo.

Imahe mula sa Sinovac Biotech
Source :

PNA, PIA

Loading…