Regine nagpahiwatig sa posibleng pag-ere ng Showtime sa TV5: “Eventually, we’ll have Showtime”

Image by Regine Velasquez via IG | Image by TV5
  • Regine Velasquez, nagpahiwatig sa posibleng pag-ere ng It’s Showtime sa TV5
  • Ani Regine: “Eventually, we’ll have Showtime, of course, hopefully”
  • Dagdag pa niya, “Eventually magkakaroon din ng Magandang Buhay”

Makaraan ang matagumpay na blocktime agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 na siyang nagdulot para mapanood ng mga televiewers ang Kapamilya shows na ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King sa Kapatid Network; may mga susunod pang ABS-CBN shows sa TV5.

Image by Regine Velasquez via IG

Nasambit kasi ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa isang virtual press conference kamakailan na may mga iba pang Kapamilya Shows na mapapanood sa TV5 kagaya umano ng It’s Showtime at mga teleserye.

Aniya, “Eventually, we’ll have Showtime, of course, hopefully. And then, eventually some of the soaps, eventually magkakaroon din ng Magandang Buhay. So, ganun.”

Sa una’y hindi pa rin daw siya makapaniwala sa nagaganap. “Ang saya-saya nung ano, ‘yung ASAP naka-mirror na sa TV5. Ang saya-saya. Sobrang saya na ano, na parang, puwede palang magyari iyon.”

Sa kasalukuyan ay napapanood pa rin sa TV5 ang Lunch Out Loud at iba pang Brightlight-produced shows sa ilalim ng blocktime deal. Kung hindi mare-renew ay matatapos ang kontrata sa March 2021.

Maliban sa TV5, napapanood din sa free TV ang mga ABS-CBN shows sa A2Z Channel 11 sa ilalim ng blocktime partnership.

Image by ASAPOFFICIAL via Facebook

Paniniyak ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, patuloy ang kanilang blocktime deals sa ibang TV Networks pero walang merger o acquisition na magaganap.

BASAHIN: Wala nang SNL; ASAP Natin ‘To mapapanood na sa TV5

Matatandaang nagsimulang maipalabas sa TV5 noong January 24, 2021 ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King sa Kapatid Network alinsunod sa blocktime agreement.

Dulot nito ay mas lalawak na ang maaabot ng programa kung saan masusubaybayan ang mga talento ng mga Filipino celebrities partikular sa pagkanta at pagsayaw kagaya nina Regine, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary V, Bamboo, Sarah Geronimo at marami pang iba.

Image by TV5
Source :

PEP, DF Balita

Loading…