Resto bar sa Lapu Lapu City ipinasara matapos magdaos ng Sinulog party

Imahe mula sa Wikipedia
  • Ipinasara ang isang resto bar sa Lapu Lapu City dahil sa paglabag sa health protocols
  • Nagdaos umano ito ng Sinulog party kung saan ang mga dumalo ay walang suot na face mask at face shield
  • Isa ang lalawigan ng Cebu sa mga lugar na binabantayan ngayon dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID

Ipinasara ng lokal na awtoridad ang isang resto bar sa Lapu Lapu City dahil sa diumano’y pagdaos ng Sinulog party kung saan ang mga dumalo ay hindi sumunod sa pinaiiral na health protocol.

Base sa ulat ng GMA News, naganap umano ang party noong Enero 17 na nakunan pa ng video ang mga nasa party habang nag-iinuman at nagsasayawan na walang suot na face mask at face shield.

Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan| Screenshot mula sa GMA News TV

Dahil dito, pinadalhan ng cease and desist order ng pamahalaang lungsod ng Lapu Lapu ang establisimiyento na hindi pa pinapangalanan.

“It’s a blatant violation of the health protocols established by the city. Na-issue na ‘yung cease and desist, which is akin to a closure order,” paliwanag ni Lapu Lapu City Assistant City Attorney James Sayson.

Isa ang lalawigan ng Cebu sa mga lugar sa bansa na binabantayan ngayon ng IATF dahil sa pagtaas ng bilang ng mga residenteng may COVID-19.

Screenshot mula sa GMA News TV

Kamakailan ay naging kontrobersiyal din ang ginanap na party ng media personality na si Tim Yap sa Baguio City kung saan kumalat sa social media ng mga larawan ng ilang kilalang personalidad na dumalo at walang suot na face mask.

Nabatikos ito sa social media dahil kabilang sa dumalo ay ang alkalde mismo ng lungsod na si Mayor Benjamin Magalong at ang kaniyang misis.

Bagama’t nagpaliwanag na si Magalong at inaming mayroong pagkukulang sa kaniyang tungkulin bilang mayor, nagpasya pa rin ang alkalde na magsumite ng resignation letter bilang contact tracing czar ng bansa,

Ganunpaman, iginiit ng Malakanyang nananatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Magalong at umaasa ang presidente na hindi itutuloy ng alkalde ang pagbibitiw nito.

Loading…