Rider nakatanggap ng ‘di inaasahang biyaya, sumakto pang may karamdaman ang anak

Image by DJ MotoCentral via Facebook
  • Food delivery rider nakatanggap ng P1,000 mula sa motor parts company
  • Saktong may karamdaman ang anak ng rider sa araw na iyon
  • Halos maluha sa tuwa ang rider dahil sa natanggap na instant sagot sa pinoproblema niyang pambili ng gamot

Kung minsan, sa panahon ng matinding pangangailangan ay kusang dumarating ang mga taong may mabubuting kalooban na nakahandang tumulong. Blessing mula sa Maykapal, kumbaga.

Image by DJ MotoCentral via Facebook

‘Yan ang naranasan ng isang food delivery rider kamakailan makaraang makatanggap ng P1,000 mula sa isang motor parts company. Sakto namang sa mga panahong iyon ay may karamdamang iniinda ang kanyang anak kaya’t ang natanggap na biyaya ay ibibili niya ng gamot.

“Habang nag-drive kami, nakita ko si kuya, isang Grab Driver, may sticker ng DJ MotoCentral, pinatabi ko. Takot daw s’ya kasi akala niya, may ginawa siyang violation sa kalsada at huhuliin siya,” ang post ng DJ MotoCentral sa Facebook.

Pagpapatuloy ng post, “Hindi niya alam, instant cash siya. Sakto daw kasi may sakit anak niya at naghahanap siya pambili ng gamot. Matumal daw kasi ang booking. Halos maluha si kuya sa tuwa.”

Ipapanalangin umano ng kompanya ang tuluyang paggaling ng anak ng rider at sana’y nakatulong ang ipinagkaloob nila sa kanya sa simpleng paraan.

Umani ng reaksyon sa social media ang pangyayari na nakalikom na ng higit 10,000 reaksyon at nasa 1,400 pagbabahagi. Marami ang pumuri sa ginawa ng DJ MotoCentral at marami rin ang nanalangin para sa anak ng rider.

Image by DJ MotoCentral via Facebook

“Sobrang solid ng DJ MotoCentral sa pagtulong sa mga tao, sanay maging isa ako sa taong ‘yun na matulungan n’yo pong mabigyan ng bagong helmet dahil ako ay nanggigigil na sa inyo hehe. More power po sa page and shop niyo,” ang komento ng isa.

“Solid ka talaga, lods, even sa pagtulong sa mga nangangailangan, ginagawa kang daan ni God. Ingat po palagi and God bless,” sabi naman ng isa pa.

Image by DJ MotoCentral via Facebook

Aba’y mahilig pala talagang ‘mang-gigil ang DJ MotoCentral!

Yan napapala mo Share ka ng Share sa mga GROUP ha.. Kala mo cguro hndi namin nakikita.??
GIGIL KAMI SAU.!!!
Dahil solid Truepa ka, mapagmahal na anak at kapatid, yan tanggapin mo BRANDNEW HJC GEORGE NAVARRO..
Hndi na sila manghihiram ng Helmet at Happy birthday sa kapatid mo..
Congratulations, Ride Safe and GOD BLESS

Loading…