Riding secret marshalls ide-deploy ng PNP kontra riding-in-tandem suspects

Screenshot mula sa UNTV video
  • Magde-deploy ang PNP ng mga secret marshalls na nakamotorsiklo at TMRU kontra sa mga riding-in-tandem suspects
  • Inaasahan na sa pagluluwag ng mga quarantine rules ay tataas na naman ang bilang ng mga masasamang-loob na gagawa ng kanilang mga kabuhungan
  • Makikipag-ugnayan din ang mga secret marshalls at TMRU sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group sa pagtunton sa mga identified rogue cops at iba pang law enforcement personnel

Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng Tactical Motorcycle Riding Units (TMRU) at secret marshalls on motorcycles upang kalusin na ang mga masasamang-loob na magka-angkas sa motorsiklo na  bantog sa tawag na “riding-in-tandem.”

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Sa kanyang statement noong Huwebes, February 4, sinabi ni PNP chief General Debold Sinas na ang deployment ng TMRU at mounted secret marshalls ay bahagi ng konsepto ng pagpapatupad ng mga kapulisan ng law and order na tinatawag na enhanced managing police operations (EMPO).

Wika ni Gen. Sinas, tinitingnan bilang effective tool ang TMRU at secret marshalls on motorcycles sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko at para mapigilan ang mga riding-in-tandem suspects na gawin ang kanilang mga kabuktutan.

“While the use of motorcycles in the Philippines is a popular mode of transportation, motorcycles are also utilized by criminals to easily flee from a crime scene as it provides increased maneuverability to navigate to narrow and crowded alleys, sidewalks, busy streets, and even major thoroughfares,” sabi ng PNP chief.

Batay sa datos ng PNP, bumaba ang crime rate noong nakaraang taon, subalit ito raw ay dahil sa ipinatupad na lockdown.

Screenshot mula sa UNTV video

Inaasahan na umano na sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya dahil sa pagluluwag ng mga quarantine restrictions ay kasabay na tataas ang mga insidente ng mga pananamantala ng mga would-be offenders kabilang na ng mga riding-in-tandem, kaya kailangan ang proactive at tactically-trained enforcement units.

Ang TMRUs ay ang mga strategically-trained motorcycle-mounted patrollers na mabilis na reresponde sa mga inisdenteng sangkot ang mga riding-in-tandem, samantalang ang mga secret marshalls in motorcycles ay magsasagawa ng pagmamanman sa mga riding-in –tandem suspects na kabilang sa validated list.

Imahe mula sa PNA

Makikipag-ugnayan din ang mga ito sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group sa pagtunton sa mga identified rogue cops at iba pang law enforcement personnel.

Source :

PNA, Philstar

Loading…