Ronnie Liang naipasa ang knowledge test para maging lisensyadong piloto

  • Naipasa ni Ronnie Liang ang lahat ng knowledge tests para magkalisensya sa pagiging piloto
  • Iyan ang ibinalita niya sa kaniyang mga social media accounts
  • Nag-aral siya ng pagka-piloto sa APG International Aviation Academy

Kung may maituturing daw na “dream guy” at “oppa” sa panahon ngayon, iyan daw ang actor-singer-pilot-sundalo na si Ronnie Liang. Bukod sa guwapo na, talented, responsable, at maraming kayang gawin na talaga namang nakapagpapakilig sa mga babae at beki.

Ibinahagi niya sa kaniyang mga social media platforms ang bagong development sa kaniyang pagiging piloto. Aniya, naipasa raw niya ang lahat ng mga knowledge tests ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP para maging lisensyadong piloto na siya.

Imahe mula sa Facebook account ni Ronnie Liang

“After all of so many sleepless nights of preparation for my exams. Finally I’ve finished all the knowledge tests required by the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) as one of the requirements for my license as a pilot. To God Be All The Glory!” saad ni Ronnie sa kaniyang Facebook post at Instagram post.

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens. Marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati para sa kaniya.

“Grabe, ikaw na talaga ang dream guy! Wala ka nang hahanapin pa. Ang suwerte naman ng babaeng mamahalin at magiging maybahay mo! Sana dumami o dumoble pa ang mga gaya mo, Sir Ronnie. I’ve been a fan since Pinoy Dream Academy days!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang mga gaya mo ang dapat tularan o gawing ehemplo ng mga lalaki ngayon na walang ginawa kundi magpa-cute lang. Congratulations to this new development!”

“Ito ang tunay na guwapo para sa akin! Total package! Sana makasakay ako sa flight mo soon!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Ronnie Liang

Nag-aral ng pagiging piloto ang singer-actor sa APG International Aviation Academy. Bago nakilala bilang singer, lumalabas na siya bilang talent sa mga pelikula at teleserye. Nakatambal niya si John Prats na humanap na beki sa pelikulang “Mano Po 4: Ako Legal Wife” nina Zsa Zsa Padilla, Rufa Mae Quinto, at Cherie Pie Picache.

Subalit mas nakilala siya bilang second-runner up ng singing reality show na “Pinoy Dream Academy” o PDA Season 1, kung saan ang itinanghal na grand winner ay si Yeng Constantino, noong 2006.

Congratulations, Ronnie! Fly high!

Loading…