Roque binalikan si Robredo matapos siyang tawagin ‘ubod ng yabang’: “Reality bites”

Imahe mula sa Panay News/ABS-CBN News
  • Binuweltahan ni Roque si Robredo matapos punahin ng huli ang mga umano’y ‘bastos’ at ‘ubod ng yabang’ na mga opisyal ng gobyerno
  • “Reality bites”, ito lang umano ang masasabi niya sa Bise Presidente
  • Ito ay nag-ugat sa pasaring ni Roque sa mga kritiko ng gobyerno na sinabihan niyang ‘manigas kayong lahat’

“Reality bites”; ito ang buwelta ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pasaring ni Vice President Leni Robredo tungkol sa mga ‘bastos’ at ‘ubod ng yabang’ na opisyal ng gobyerno.

Ang komento ni Robredo ay matapos ipagmalaki ni Roque ang subway project kung saan sinabihan ng huli ang mga kritiko ng gobyerno na “manigas kayong lahat”.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Ayon sa Bise Presidente, hindi naman kailangang maging ‘bastos’ sa pananalita sa publiko ang mga itinuturing na nagsisilbi sa pamahalaan.

“Hindi naman natin dine-deserve na iyong mga public servants natin mga bastos, hindi natin dine-deserve na ubod ng yabang,” ani Robredo sa kaniyang radio program.

Nang tanungin ang reaksiyon ni Roque tungkol sa sinabi ni Robredo, anito “I can only quote Winona Ryder, ‘Reality bites.'”

“Hindi po matanggap talaga na nagtatagumpay ang gobyerno sa lahat ng kaniyang mga programa, kasama na po sa laban natin dito sa COVID-19 and reality bites,” dagdag ni Roque sa ginanap na online briefing kamakailan.

Imahe mula sa PCOO

“Kung may genuine issue po na ilalabas sa gobyerno, ilabas na po ‘yung totoong issue na ‘yan. Tama na po ‘yung mga pasaring na ganyan. Reality bites is all I can say,” patuloy nito.

Sa kaniyang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na kung kailangang ipagtanggol ang administrasyon ay wala namang problema rito.

Ang nakalulungkot lang daw ay ang pananalitang ginagamit kung saan tila bastos na ito. Ito raw ba ang klase ng opisyal ng pamahalaan ngayon, tanong pa ng Pangalawang Pangulo.

Loading…