Roque sa critics nang dumating ang tunnel boring machine cutter head para sa subway: “Manigas kayong lahat”

Imahe mula sa DOTr
  • Dumating na sa bansa ang cutter head na ikakabit sa tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway Project
  • Isa si Presidential Spokesman Harry Roque sa dumalo sa Arrival Ceremony para sa cutter head
  • Nagbigay siya ng maikling talumpati at isang mensahe sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte

Dumating na sa bansa ang cutter head, ang pinakamalaki at pinakamabigat na piyesa ng tunnel boring machines na gagamitin para sa Metro Manila Subway Project ng pamahalaan. May bigat itong 74 tonelada at may diameter na halos 23 talampakan na katumbas na ng dalawang palapag na gusali.

Imahe mula sa DOTr

Babasagin, hahatiin at dudurugin ng cutter head ang mga bato at lupa sa pamamagitan ng pag-ikot ng 36-piece disk cutter na binubuo ng 15 piraso ng single at 21 piraso ng twin roller cutter.

Ikakabit ang cutter head sa “Kaunlaran,” ang unang anim na na tunnel boring machines na gagamitin para sa partial operability section ng subway o ang unang tatlong istasyon nito sa Quezon City. Dalamwapu’t limang tunnel boring machines ang gagamitin sa proyektong tinawag na “Project of the Century.”

“This Tunnel Boring Machine symbolizes its name, ‘Kaunlaran’. Today, we ask you as we applaud the coming of ‘Kaunlaran’ – I ask you in joining us in riding the Philippines’ first metro subway dahil ito ‘ho ay paglakbay papunta sa kaunlaran,” pahayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa arrival ceremony na ginanap sa  Manila North Centre Port Terminal noong Biyernes, ika-5 ng Pebrero.

Imahe mula sa DOTr

Kabilang sa mga dumalo sa arrival ceremony ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque na nagbigay ng maikling talumpati.

Aniya, sa pagdating ng cutter machine, ang muling pagsilang ng Philippine Infrastructure ay nagpapatuloy sa ilalim ng pamumuno ni President Rodrigo Duterte. Ito ay sa kabila umano ng mga kritisimong ibinabato sa Pangulo.

Isang mensahe ang binitiwan ni Harry Roque para sa mga kritiko ng Pangulo:

Screenshot mula sa video ng DOTr

“Let today’s event be recorded in the annals of Philippine history as another first of the Duterte administration. And to his critics I have only this to say: Manigas kayong lahat.”

Source :

Inquirer, DOTr

Loading…