‘Run Sara Run’ tarpaulins walang nilalabag na batas – Comelec

Imahe mula sa News5 Digital
  • Walang nilalabag na election law ang ‘Run Sara Run’ tarpaulins ayon sa Comelec
  • Isa lamang umano itong pagpapahayag ng ‘free expression’
  • Ilang beses nang itinanggi ni Inday Sara na tatakbo siya sa halalan sa 2022

Nilinaw ng Commission on Election (Comelec) na walang nilalabag na batas ang ‘Run Sara Run’ tarpaulins na nagsulputan sa iba’t-ibang bahagi ng Kamaynilaan nitong mga nagdaang araw.

Ipinaliwanag ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na walang nilabag sa Omnibus Election Code ang mga banners na katulad ng ‘Run Sara Run’, na hindi maipagkakailang ang layon ay upang kumbinsihin si Davao City Mayor Sara Duterte n tumakbo sa darating na halalan sa 2022.

Imahe mula sa PNA

“Technically there is no violation because in order for premature campaigning to be committed there should be an official candidate, and no official candidate exists right now,” wika ni Jimenez sa panayam ng ABS-CBN News.

“In fact, we are not even filing the certificate of candidacy yet. So, since there is no official candidate, there can be no crime or should we say offense of premature campaigning,” ayon pa sa opisyal.

Ang mga ganitong banners, na umani ng iba-ibang reaksiyon sa social media, ay isa lamang umanong pagpapahayag ng ‘freedom of expression’.

Imahe mula s Radyo Pilipinas Uno

“These people have the right to actually promote the candidacy of anyone that they want. They could put up a banner that says ‘Christian Run’ and it won’t make a difference because it’s a matter of free expression,” dagdag pa ni Jimenez.

Gayun pa man, pinaalalahanan ni Jimenez ang mga botante na maging maingat sa mga kandidatong pinapayagan ang ibang tao na ikampanya ang kanilang pangalan nang maaga kahit wala pa naman silang nai-file na certificate of candidacy.

Bagama’t hindi pa maituturing na ‘premature campaigning’ ito, hindi rin daw magiging patas sa ibang kandidato ang ganitong gawain.

Imahe mula sa PNA

Basahin:  MMDA pinag-aaralan ang legalidad ng “Run, Sara, Run” tarpaulins na nagsulputan sa Metro Manila

Mistulang nangangahulugan umano ito na mas maraming pondong mapagkukunan ang isang nagbabalak tumakbo sa eleksiyon dahil nga kaya nilang ‘mangampanya’ nang napakaaga.

Ilang beses nang itinanggi ni Inday Sara na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 kahit pa nangunguna ang kaniyang pangalan sa ilang pinakahuling survey.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay tutol rin na sumunod sa yapak niya ang kaniyang anak na babae. Anang Pangulo nitong Martes, “Naaawa ako sa anak ko. Ang politiko dito, kababuyan.”

Loading…