Saku-sakong shredded paper bills natagpuan sa Capiz

Image by Metro Headlines via Facebook
  • Saku-sakong ginutay-gutay na paper bills, natagpuan sa Roxas City, Capiz
  • Dadalhin umano ang pera sa dumping site sa lugar for proper disposal
  • May mga nanghinayang sa shredded paper bills
  • Komento ng netizen: “Sinisira talaga ‘yan, mga lumang pera. Mali nga lang pinagtapunan, madami tuloy ang nanghinayang”

Ano ang gagawin mo kapag makakita ka ng napakaraming ginutay-gutay o shredded na paper bills?

Image by Metro Headlines via Facebook

Nagulat ang ilang mga residente ng Brgy. Cagay, Roxas City sa Capiz kamakailan makaraang makakita ng saku-sakong ginutay-gutay na pera sa isang bakanteng lote.

Napag-alaman ng Radyo Todo Capiz News Team na ang mga paper bills ay dadalhin sana sa isang dumping site sa San Jose sa siyudad para sa proper disposal.

Pahayag ng isang Jonathan Agrasada, naplatan umano ang kanilang dump truck kaya’t napilitan muna silang i-diskarga ang mga shredded money para ipaayos ang sasakyan.

Galing ang mga nasabing pera sa Bangko Sentral sa lungsod at ito’y mga luma na mga banknote mula sa iba’t-ibang denominasyon.

Siniguro naman ni Agrasada na liligpitin nila nang maayos ang mga shredded paper bills at itatapon sa tamang basurahan para sa proper disposal ng mga ito.

Samantala, ibinahagi rin ng Facebook page na Metro Headlines ang larawan ng mga ginutay-gutay na paper bills kung saan umani ang pangyayari ng iba’t-ibang reaksyon sa social media.

Komento ng isa, “Mga luma o sira (mga fake) na perang papel talagang ginigiling ‘yan ng Central Bank. Ito ay para mawala na sa sirkulasyon! Iisa lang ang dapat nilang paglagyan sa incinerator.”

Image by Metro Headlines via Facebook

“Lahat na lumang pera, sinisira o sine-shred at itinatapon, ganoon din sa ibang bansa,” anang isa pa.

Saad ng iba, “Sinisira talaga ‘yan, mga lumang pera. Mali nga lang pinagtapunan, madami tuloy ang nanghinayang.”

Image by Metro Headlines via Facebook
Source :

Facebook

Loading…