Sarah Geronimo wala pa ring “paramdam” sa 26th anniv celebration ng ASAP Natin ‘To

  • Wala pa rin si Sarah Geronimo sa 26th anniversaru celebration ng ASAP Natin ‘To nitong Pebrero 7, 2021
  • Marami na ang nakaka-miss sa kaniyang mga Popsters
  • Miss na rin siya ng mga co-hosts niya

Hindi pa rin nasilayan nang live o kahit sa pamamagitan ng virtual performance ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo-Guidicelli sa 26th anniversary celebration ng kinabibilangang longest musical variety show na “ASAP Natin ‘To” nitong Pebrero 7, 2021; bagay na pinagmumulan ng iba’t ibang mga tanong mula sa kaniyang mga tagahanga.

Makalawang beses pa siyang binati ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid habang nakasalang ito sa hosting, na sana raw ay makasama na siya soon dahil nami-miss na nila ang presensya ng Popstar Royalty. Sinabi na lamang ni Regine na ganoon daw talaga ang buhay-may-asawa na, na naranasan din daw niya noong bagong kasal sila ni Ogie Alcasid, na kasama rin niya sa show.

Public Domain Image

Sumang-ayon naman dito si Mr. Pure Energy Gary Valenciano at sinabing sana nga ay bumalik na siya at makasama na nila nang live.

Marami na kasing nakapapansin na lately ay hindi na nagkakaroon ng recorded performance si Sarah, gaya ng ginagawa nito noon, samantalang ang ibang performers ay nagagawa ito kagaya na lamang ni Darren Espanto, at ang Broadway Diva na si Lea Salonga, na nakasama pa sa live performance nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, at grupong The Company.

Hindi rito natapos ang pagbanggit na wala si Sarah sa pagdiriwang ng ASAP. Sa panayam nina Regine at Martin Nievera sa bagong Kapamilya at host ng ASAP Natin ‘To na si Janine Gutierrez, aminado itong masugid siyang tagahanga ni Sarah G.

“What an honor to perform on the stage that you perform in. Narito mga iniidolo ko… I’m such a Popster, Miss Sarah G… so, parang inisip ko na lang kung anong gagawin nila.”

Public Domain Image

Marami tuloy ang nagbigay ng kanilang mga espekulasyon kung bakit wala pa ring paramdam ang Popstar Royalty sa show, at naging trending pa ito sa Twitter.

“Baka buntis na? Kasi hindi na siya nagla-live show laging recorded at half lang pinapakita sa kaniya nitong mga nakaraang show niya sa ASAP,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka lilipat ng network?”

“Baka ninanamnam lang ang buhay-misis, kayo naman,” wika naman ng isa.

Ano man ang dahilan, iisa lamang ang panawagan ng mga Popsters at mga tagasubaybay niya: Miss ka na namin, Sarah G!

Source :

Facebook, PEP

Loading…