#SaveMyanmar: Kim Chiu, Xian Lim nananawagan ng dasal para sa bansang Myanmar

Image by Kim Chiu via IG
  • Kim Chiu at Xian Lim, humihingi ng panalangin para sa bansang Myanmar
  • Binawi kasi ng militar sa civillian government ang pamumuno sa Myanmar dahil sa diumano’y dayaan sa halalan
  • Kim: “Please stay strong! We will be praying for you guys”

Nangangailangan ng panalangin at tulong ngayon ang mga mamamayan ng bansang Myanmar dahil sa nagaganap na kudeta roon. Ito ang panawagan ng magkasintahang celebrity na sina Xian Lim at Kim Chiu sa kanilang mga tagahanga.

Image by Kim Chiu via IG

Matatandaang pinamunuan ng military regime ang Myanmar sa loob ng 49 years hanggang sa pangunahan ni Aung San Suu Kyi bilang State Counsellor ang democratic reforms ng bansa noong 2016.

Kaya lamang, binawi ng militar sa civillian government ang pamumuno sa bansa noong February 1, 2021 dahil sa iginigiit ng maimpluwensyang Myanmar military na nagkaroon ng dayaan sa halalan at ikinulong ang civillian leader na si Aung San Suu Kyi kasama ang 133 pang government officials at mambabatas.

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Kim ang post ng fan page nila sa Myanmar na nagmamakaaawa ng tulong. Nakasaad sa post ng Myanmar-based KimXi account, “The internet connection was cut off yesterday and the citizens are protesting against the military coup, I’m not sure when the internet will be cut off again.

“Please help us !!! Please spread this current situation of Myanmar!!! I’m begging all of you Please help us.”

Saad naman ni Kim, “please stay strong! We will be praying for you guys.”

Nagbahagi rin si Kim ng litrato ng mga kababaihang Burmese na taimtim na nananalangin sa isang vigil. “Read the news about what is happening in Myanmar now. Their gov’t shutdown TV, radio and internet FB and IG and declared a coup d’ etat. #prayformyanmar #savemyanmar #savemyanmarpeople.”

Image by Kim Chiu via IG

Maging si Xian ay nagbahagi rin ng photo ng malawakang kilos-protesta sa bansang Myanmar.

Dito, ikinuwento ng aktor na taong 2018 nang bumisita siya sa bansa para mag-host ng beauty pageant, “It’s a beautiful country and it saddens me what they are going through right now. Let us all pray for their safety. #savemyanmar.”

Image by Xian Lim via Instagram
Source :

PEP, Inquirer

Loading…