Sen. Gatchalian hindi pabor sa ‘No Fail Policy’ para sa mga mag-aaral

  • Tutol ang senador na si Sherwin “Win” Gatchalian sa ‘No Fail Policy System’
  • May long term negative impact daw ito sa mga K12 learners
  • Si Gatchalian ang chairman ng Senate committee on Basic Education, Arts and Culture

Hindi sang-ayon ang senador na si Sherwin Gatchalian sa implementasyon ng ‘No Fail Policy’ para sa mga mag-aaral, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, at ang mga paaralan ay gumagamit ng blended/distance learning na maaaring online class o modular approach.

May negatibong long-term impact daw sa academic performance ng mga mag-aaral kung lahat na lamang daw ay ipapasa, kung hindi naman daw talaga umabot sa minimum standard ang naging performance ng mag-aaral.

Public Domain Image

“Hindi ako sang-ayon diyan dahil may mga bata talagang mahina, halimbawa, sa Math, Reading, o sa Science. Dapat nating malaman ‘yun para matulungan natin sila. Kung ipapasa mo lahat, paano mo malalaman kung saan siya mahina?” pahayag niya noong Sabado, Pebrero 6, 2021.

Kung maisasakatuparan man ang naturang polisiya, hindi raw ito makatutulong sa mga mag-aaral dahil mahihirapan din silang makatapak sa susunod na academic level.

Iginiit ni Gatchalian na siya ring chairman ng Senate committee on basic education, arts and culture na kaya itinutuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasa kalagitnaan ng pandemya ang bansa at daigdig, ay upang matiyak na matututo pa rin ang mga learners, upang maihanda naman sila sa mga mas komplikadong antas ng pagkatuto.

Dagdag pa niya, batay sa resulta ng tatlong international large scale assessments na 2018 Program for International Student Assessment (PISA), Southeast Asia Primary Learning Metrics 2019, at Trends in International Mathematics and Science Study 2019, bago pa man maganap ang pandemya ay hirap na hirap na ang mga K-12 learners sa pagkatuto ng mga pangunahing kasanayan o competencies ng bagong kurikulum.

Public Domain Image

Basahin:  Rekomendasyon na ipasa lahat ng mga estudyante dahil sa pandemya hindi patas – DepEd

Sa mainit-init pang hearing sa House of Representatives, ibinasura ng mga opisyal mismo ng Department of Education (DepEd) ang mungkahing maisakatuparan ang no-fail policy system.

Magiging mas motivated daw sa pag-aaral ang mga bata kapag alam nila na maayos na minamarkahan ang kanilang ginagawa. Iginiit ni DepEd Usec. San Antonio na ang “no fail policy” ay hindi magtuturo sa mga mag-aaral ng responsibilidad.

Loading…