Sensational Pinoy rapper EZ Mil nagpasalamat sa Diyos sa ‘di inaasahang tagumpay ng “Panalo”

Screenshot mula sa Wish Bus USA video
  • Inamin ni Ez Mil na sobra pa sa kanyang inaasahan ang naging tagumpay ng “Panalo”
  • Pasasalamat sa Diyos ang namutawi sa kanya dahil sa tagumpay na inani ng kanyang rap song
  • Nagpasalamat din siya sa mga naghambing sa kanya sa mga mahuhusay na rappers, pero nais raw niyang tumahak ng sariling landas sa pamamagitan ng kanyang musika

Patuloy pa rin na humahakot ng maraming views ang video ng performance ng breakout star rapper na si EZ Mil sa Wish Bus USA na umabot na sa halos 23 million simula nang ma-upload iyon sa YouTube noong January 29, 2021.

Imahe mula sa Wish USA Music

Sobra pa raw sa inaasahan niya ang naging tagumpay ng Panalo kaya ganoon na lang ang kanyang pasasalamat.

“It’s more than I imagine…I can dream of. Thank God Jesus for giving me this opportunity, maraming maraming salamat!” aniya.

Dahil sa husay na ipinakita niya sa pagra-rap, hindi naiwasan ng mga tagahanga na ihanay ang pangalan niya sa mga bigatin sa mundo ng rap music tulad ng American rapper na si Eminem, sa yumaong Master Rapper na si Francis M at Gloc-9 na isa sa itinuturing na pinakamahusay na Pinoy rapper ngayon.

Isang karangalan daw na maikumpara siya sa mga kilalang mahuhusay na rapper, subalit nais raw niyang tumahak ng sarili niyang landas sa pamamagitan ng kanyang musika.

“Sa tingin ko po it’s an honor, it’s awesome to be put with people with such heavy names who made their own impact but ultimately I want to be in my own lane because I have something different,” pahayag niya sa isang virtual media conference na ginawa para sa kanya ng Wish USA Music.

Screenshot mula sa UNTV video

“It’s great to breathe the same air in their hemisphere of greatness. But I want to be me! I will continue to forge my way through my music,” sabi pa niya.

Isa raw sa mga prayoridad ni Ez Mil ngayon ang bumalik sa Pilipinas. Ito ay kung magiging maluwag na ang travel restrictions dahil sa COVID-19. Gusto raw niyang makipag-collaborate sa ibang artists.

“Competition is always there but we should all be coming together.I feel that competition can be turned into us against the world, not us against us. Let’s bring everyone up not down!” sabi ng rapper na lumaki sa Olongapo City at sa Pangasinan.

Screenshot mula sa UNTV video

Sa mga nagtatanong kung bakit naging viral hit ang Panalo, ito ang kanyang kasagutan: “The main recipe is because I am a proud Filipino. That shows in every nook and cranny that you could find in ‘Panalo.’”

Loading…