Sikat na Korean actor inubo sa tapang ng pabango ni KC Concepcion

Screenshot mula sa vlog ni KC Concepcion
  • Ikinuwento ni KC ang “nakahihiyang” karanasan dahil sa biniling pabango
  • Makakasama niya sa isang event sa Hong Kong si former US Pres. Bill Clinton at Korean actor na si Jang Dong Gun kaya itinodo na niya ang paglalagay ng pabango sa buong katawan
  • Nakasabay raw niya sa elevator si Clinton at ang actor na biglang inubo pagkapasok niya dahil sa pabango niya

Sa vlog niya tungkol sa koleksyon niya ng mga pabango, nagbigay siya ng tips sa pagpili ng tamang pabango. Nagpayo pa siya sa mga viewers na iwasan ang paglalagay ng sobra-sobrang pabango.

Screenshot mula sa vlog ni KC Concepcion

“May tendency tayo na mag-spray nang mag-spray nang mag-spray tapos hanggang sobrang bango na natin. So, please avoid that. Try to just choose quality perfume na potent pero hindi sobra,” payo niya.

Natatawang ikinuwento ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang naging karanasan niya sa pabango na sabi niya ay itinapon na niya dahil sa inabot na “kahihiyan.” Nangyari daw iyon noon pang 2008 sa Hong Kong para sa Clinton Global Initiative Asian General Meeting ni dating US President Bill Clinton.

Kikilalanin noon sa event ang Korean actor bilang bagong goodwill ambassador ng United Nations-World Food Programme (UN-WFP) sa Korea. Si KC ay ang goodwill ambassador ng UN-WFP sa Pilipinas simula pa noong 2007 hanggang sa kasalukuyan.

“Nagkamali ako kasi dati. May kwento nga ako. Meron kasi akong event napuntahan na nandoon si former President Bill Clinton kasama ‘yung number one artist lang naman nung time na ‘yun sa Korea…na parang movie star talaga – si Jang Dong Gun,” kwento ni KC.

Screenshot mula sa vlog ni KC Concepcion

Gusto raw niyang mag-iwan ng lasting impression kay Clinton at Jang Dong Gun dahil makakasama niya ang mga ito sa stage sa closing ceremony ng event kaya ang ginawa niya ay itinodo niya ang paglalagay ng pabango mulo ulo hanggang paa.

“Kung saan may balat nag-spray talaga ako. Pati yung purse ko, inisprayan ko. Sabi ko, kailangan mag-last ito,” aniya.

Paglabas daw niya ng hotel room niya ay dumiretso na sa elevator, pero laking gulat niya dahil si Clinton at Jang Dong Gun ang bumungad sa pagbukas ng elevator.

“’Pag press ko ng elevator… sila ‘yung laman ng elevator. Alam n’yo ba, hiyang-hiya talaga ako. Sabi ko, ‘shet, ang bango ko! Talagang… kunwari walang nangyari, guys,” aniya na natatawa rin sa kuwento niya.

Ilang saglit lang pagkasara ng elevator ay napaubo raw ang Korean actor. Iminuwestra pa ni KC kung paano umubo si Jang Dong Gun.

Screenshot mula sa vlog ni KC Concepcion

Sabi niya, “Alam n’yo, hindi ko na lang siya tiningnan. Alam kong ako ‘yung sanhi ng pagkaubo niya sa elevator.”

“‘Yung perfume na akala ko nakakaganda, tinapon ko na, kasi hiyang-hiya talaga ako,” natatawang sabi niya.

Screenshot mula sa vlog ni KC Concepcion

Panoorin:

Source :

YouTube

Loading…