Sinovac vaccine para sa mga health workers aprubado na sa IATF – DOH

Imahe mula sa PNA
  • Aprubado na sa IATF ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga health workers
  • Ito ay sa gitna ng mga agam-agam tungkol sa mababang efficacy rate ng nasabing bakuna
  • Gayunpaman, maaari naman daw tumanggi ang mga health workers

Aprubado na sa Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases (IATF) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga health workers sa gitna ng mga agam-agam tungkol sa efficacy ng nasabing bakuna mula sa China.

Sa press briefing nitong Biyernes, ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na iprinisenta  nila sa IATF ang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) para gamitin ang Sinovac sa health workers at naaprubahan naman ito.

Imahe mula sa PNA

“Just this morning we presented [the recommendation] to the IATF and we got the approval already. So this would also be presented to the President but right now we can see all of these members approved the NITAG recommendation already,” wika ni Vergeire.

Kung magugunita, hindi inirerekomenda ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Sinovac vaccine na gamitin sa mga health workers at medical frontliners dahil lubhang mababa ang efficacy rate nito na 50% lamang para sa naturang grupo.

Imahe mula sa Sinovac Biotech

Subalit iginiit ni Vergeire na ang naging konklusyon ng mga ekpserto tungkol dito ay magiging ‘beneficial’ pa rin ang  Sinovac sa mga health workers.

Lumabas daw kasi sa clinical trial ng bakuna na 50% na effective lamang ito para sa mga mild symptoms ng COVID-19, subalit 100% effective naman sa moderate hanggang severe na sintomas.

“Given this evidence, the NITAG and the TAG have deemed it sufficient to recommend the use of the vaccine for healthcare workers as it bears to reiterate that our goal for prioritizing healthcare workers for vaccination is to reduce morbidity and mortality among their group while they maintain the most critical essential health services,” paliwanag pa ng opisyal.

PGH health workers| Imahe mula sa ABS-CBN News

Nilinaw naman ng NITAG na maaari pa ring tumanggi ang mga health workers kung ayaw nilang magpaturok ng Sinovac vaccine.

Hindi rin umano ito nangangahulugan na mawawala na sila sa priority list ng gobyerno subalit kailangan nilang maghintay para sa susunod na tranche ng darating na bakuna.

Loading…