Smartest face mask sa buong mundo na may built-in mic at amplifier ipinakilala

Imahe mula sa Razer
  • Ipinakilala ng kumpanyang Razer ang na-develop nitong high-tech face mask
  • Ang face mask ay tinatawag na Project Hazel
  • Mayroon itong built-in mic at amplifier,at dalawng ventilators na rechargeable
  • Ang case ng face mask na nagsisilbing charger ay may UV light sa loob na nagdi-disinfect sa mask habang nagtsa-charge

Ipinakilala ng kumpanyang Razer ang kanilang Project Hazel na prototype ng isang high-tech face mask na tinawag nilang smartest face mask in the world. Mayroon itong built-in microphone at amplifier.

Imahe mula sa Razer

Ayon sa Razer, isang Singaporean-American technology company na nagdidisenyo, nagde-develop at nagbebenta ng mga electronics at gaming hardware, ang Project Hazel daw ang the most intelligent mask ever created.

Mayroon nga itong microphone at amplifier upang malinaw na maririnig ang sinasabi ng nakasuot nito. Clear at transparent ang harap nito kaya makikita ang bibig at buong facial expression. Recyclable plastic ang materyales na ginamit sa waterproof at scrath-resistant face mask na ito kaya hindi maaksaya kumpara sa mga disposable face masks.

May dalawang rechargeable ventilators sa magkabilang bahagi ng face mask para sa pagpasok ng malamig na hangin at paglabas naman ng init dahil sa pag-exhale na nakakabawas ng carbon dioxide sa loob ng mask na maaaring magsanhi ng pagkahilo at pananakit ng ulo.

Imahe mula sa Razer

Napapalitan ang filter ng ventilators. Ang filter ay kayang pumigil sa 95% ng airborne particles.

Ang case ang Project Hazel ay may dual purpose. Nagsisilbi iyong charger ng ventilator at may UV light sa loob para ma-disinfect ang mask habang nagtsa-charge.

Komportable ring isuot ang face mask dahil mayroon itong silicon guard sa palibot ng mukha upang hindi makapasok doon ang hangin. Dahil sa guard ay maiiwasang dumikit sa bibig ang mask kaya magiging maayos at malinaw ang pagsasalita.

Imahe mula sa Razer

Makapal at adjustable ang ear loop nito kaya komportableng isuot.

Imahe mula sa Razer

Bukod sa proteksyon ay puwede rin itong pang-porma dahil puwede itong ipa-customize depende sa taste ng magsusuot. Available ito sa 16.8 million colors na pagpipilian at may iba-ibang effects na tiyak na aagaw ng pansin sa makakakita.

Hindi pa sinasabi ng kumpanya kung magkano mabibili ang face mask dahil sa ngayon ay wala pa ito sa merkado.

Source :

YouTube, Razer

Loading…