SMC naglaan ng halos P1-B para sa COVID vaccine ng kanilang 70,000 workforce

Imahe mula sa Nikkei Asia
  • Naglaan ng halos P1-B ang SMC para sa COVID vaccine ng lahat ng kanilang trabahador
  • Nakakuha na umano sila ng bakuna at binabalangkas na ang groundwork para sa pamamahagi nito
  • Tniyak ni Ang na ang bakunang gagamitin nila ay awtorisado ng FDA

Naglaan ang San Miguel Corporation (SMC) ng halos P1-bilyon para sa pagpapabakuna ng lahat ng kanilang 70,000 empleyado at extended workforce para matiyak na ligtas ang mga ito at makatulong na rin sa bansa na labanan ang COVID-19.

Sa pahayag na inilabas ng SMC nitong Martes, nasasaad dito na nakakuha na ng COVID-19 vaccine ang higanteng food and beverage conglomerate mula sa iba’t-ibang source at kasalukuyan nang binabalangkas ang groundwork para sa maayos na pamamahagi ng bakuna sa pamamagitan ng kanilang ‘Ligtas Lahat’ taskforce at sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Imahe mula sa SMC

“Our program is in line with our core value of malasakit and aims to create a safe and healthy workplace so that we can further contribute to our country’s economic recovery,” ayon kay SMC president and COO Ramon S. Ang.

Bagama’t hindi pipilitin at boluntaryo lamang ang mga empleyadong magpapabakuna, umaaasa naman ang kumpanya na lahat ay magpapaturok para na rin sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak rin ni Ang na ang bakunang gagamitin nila ay nag-comply sa safety protocol ng pamahalaan at mayroong emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

“It is our civic duty and our best chance at protecting ourselves and those we love. It is the best thing we can do today to help contain this pandemic, protect the vulnerable, and help speed up economic recovery,” wika pa ni RSA.

Kinilala rin ng SMC boss ang mahalagang papel na gagampanan ng business sector para sa vaccination ng kanilang mga empleyado upang makamit ang tinatawag na herd immunity sa bansa.

Subalit dahil wala pa ring bakuan, tiniyak rin ni Ang na patuloy na susunod ang kaniyang mga kumpanya sa ipinatutupad na health and safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing para mapanatiling protektado ang kanilang workforce.

Loading…