
- May pa-contest ang PAGASA sa pagdiriwang nito ng 28th National Astronomy Week ngayong Pebrero
- Mobile Phone Moon Silhoutte Photography Contest ang tawag sa kompetisyon
- May premyong P1,000 hanggang P10,000 para sa mga mapipiling entries
May patimpalak ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa pagdiriwang nito ng 28th National Astronomy Week ngayong buwan ng Pebrero.

Tinawag na “Mobile Phone Moon Silhoutte Photography Contest” ang kumpetisyon kung saan maaaring manalo ng hanggang sampung libong piso ang masuwerteng kalahok na makakakuha ng pinakamaganda at pinakakakaibang litrato ng moon silhouette gamit lang ang isang cellphone.
Ang contest ay bukas sa publiko maliban sa mga empleyado ng PAGASA at sa kanilang immediate family members.
Ang moon silhouette at dapat kunan mula February 15 hanggang February 17, 2021. Dito dapat sa Pilipinas kinunan gamit ang cellphone lang at hindi maaaring gumamit ng ibang uri ng camera. Bawal ang pagmamanipula sa litrato. Ang maaari lang payagan ay cropping at color enhancement, na kinabibilangan lang ng shadow at highlights.

Ang entry ay hindi maaaring may kasamang copyrighted materials kabilang ang artworks at ibang larawan. Wala rin dapat na date stamps, watermarks at anumang uri ng text sa larawan.
Ang submission ng entries ay sa February 18, 2021 mula alas-nuwebe ng umaga. Ang unang 50 entries lang ang ikokonsidera ng PAGASA. Isang entry lang bawat contestant ang papayagan.
“To preserve the quality of the entries, participants must provide the shareable Google Drive link of their respective entries enclosed in a single folder entitled “NAW2021_<Surname_First_Name>.” Please ensure that the privacy settings of the respective entry must be set to “Anyone with the link.” Submit it to this email: [email protected],” ayon sa PAGASA.

Dapat i-submit ng contestant ang unedited at processed image ng kanilang entry sa ganitong filename format:
Unedited image: NAW2021Raw_<Surname_First_Name>.jpg
Processed image: NAW2021Processed_<Surname_First_Name>.jpg
I-aanunsyo ang mga mananalo sa February 26, 2021 sa official Facebook page ng PAGASA.
Ang 1st prize ay P10,000; ang 2nd prize ay P7,000 at ang 3rd prize ay P5,000. Limang consolation prizes din ang ipamamahagi na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa.
