Super Tekla nakapagpundar na ng sariling bahay

Screenshot mula sa Donekla in Tandem vlog
  • Nakabili na si Super Tekla ng sarili niyang bahay
  • Excited ang komedyante na nagbigay ng house tour para sa mga followers ng vlog nila ni Donita Nose
  • Sabi ni Tekla, ang nabiling bahay ay dahil daw sa mga”likes” at “shares” na ginagawa ng mga mga solid supporters ng Donekla in Tandem YouTube channel

May bahay na si Super Tekla at may pa-house tour pa siya para sa mga followers nila ng ka-tandem niyang si Donita Nose sa YouTube channel nilang Donekla in Tandem. Masayang ibinahagi ng komedyante na ang nabili niyang dream house ay bunga ng kanyang mga pinagpaguran at sakripisyo.

Screenshot mula sa Donekla in Tandem vlog

Ang bahay ni Tekla ay malapit lang sa bahay na nabili ni Donita Nose sa parehong subdibisyon. Walong bahay lang daw ang pagitan.

Excited si Tekla nang matanggap ang susi ng bahay niya matapos ang pirmahan ng ilang mga mahahalagang dokumento. Masaya raw siya dahil mayroon na raw siyang sariling tahanan na mapagpapahingahan sa oras ng kanyang pagreretiro.

“One day, alam ko lahat tayo magre-retire, mamamahinga sa ginagalawan natin. At least meron tayong tahanan na uuwian,” aniya.

Sabi pa ni Tekla, hindi niya inakalang magkakaroon siya ng bahay na matatawag sa sariling kanya. Tiwala raw sa Diyos na sinamahan ng sipag, tiyaga at saka disiplina ang susi ng lahat.

Screenshot mula sa Donekla in Tandem vlog

“’Di ko inakalang magkakaganito ako ng ganito. Tiwala lang po talaga tayo sa Diyos samahan ng sipag, tiyaga at disiplina, hindi imposible na magkaganito ng ganito,” ayon kay Tekla.

Kasama ang ka-tandem niya, isa-isang ipinasilip ni Tekla ang bawat bahagi at silid ng bago niyang bahay at ang mga pinaplanong renovation na gagawin para umakma sa kanyang pangangailangan. Isa sa mga silid ang gagawin daw niyang studio na gagamitin sa mga online activities niya.

Screenshot mula sa Donekla in Tandem vlog

Pinasalamatan ni Tekla at Donita ang mga solid followers ng YouTube channel nila. Ang mga nabili nilang bahay ay bunga raw ng mga “likes” at “shares” ng mga fans at supporters ng vlog nila.

Nangako ang dalawa na marami pa silang gagawing magagandang vlogs para sa mga sumusubaybay sa Donekla in Tandem.

Screenshot mula sa Donekla in Tandem vlog

Loading…