Teachers idinaan sa sayaw ang panawagan sa mga pangako ng DepEd na napako

Screenshot mula sa ACT video
  • Mga guro nagsayaw sa harap ng DepEd-NCR para ipanawagan ang mga pangakong napako ng kagawaran
  • Humihingi ang ACT-NCR Union ng dayalogo upang maiparating ang kanilang mga hinaing
  • Hindi pa rin nila natatanggap ang P1,562 salary adjustment para sa taong ito – na dumagdag na naman sa mahabang listahan ng mga pangakong napako ng pamahalaan sa mga teachers

Isang grupo ng mga guro sa pampublikong paaralan ang nagsayaw sa harap ng tanggapan ng Department of Education(DepEd)-National Capital Region sa  Quezon City noong Martes, ika 16 ng Pebrero, upang iprotesta ang mga pangakong napako at mga polisiyang hindi makatarungan ng kagawaran.

Screenshot mula sa ACT video

Sa saliw ng kantang “Achy Breaky Heart,” umindak ang mga guro mula sa grupong Alliance of Concerned Teachers Philippines-NCR Union (ACT-NCR Union) bilang panawagan sa DepEd na gampanan nito ang mga tungkulin at gumawa ng sapat na mga hakbangin para sa kapakanan ng mga guro.

Hinihingi rin ang ACT-NCR Union ng isang dayalogo upang maiparating ang kanilang mga reklamo tungkol sa hindi pa nababayarang Performance-based bonus (PBB) noong 2019, Service Recognition Incentive 2020 benefits at ang reimbursement ng P300 monthly communication allowance.

Tinututulan din ng mga guro ang karagdagang teaching load na, ayon sa kanila, ay mapipilitan silang mag-trabaho sa school ng karagdagang working hours sa kabila ng kakarampot na sweldo.

Sa naturang protesta, sinabi ni ACT Secretary General Raymond Basilio na pinapasan ng mga guro ang bigat ng distance learning.

Screenshot mula sa ACT video

Aniya, saksi umano ang mga guro sa mga paghihirap ng mga estudyante sa distance learning at kung magkaminsan ay gumagamit ng sariling pera upang punuan ang kakulangan ng mga bata.

Ayon sa ACT teacher, hindi pa rin nila natatanggap ang P1,562 salary adjustment para sa taong ito – na dumagdag  na naman sa mahabang listahan ng mga pangakong napako ng pamahalaan sa mga teachers.

 

Loading…