The Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil ibinahagi kung ano ang kaniyang mga “lucky charms”

  • Mga stray cats daw ang lucky charm ni Basel Manadil, ang The Hungry Syrian Wanderer
  • Natutuwa siya dahil laging pinipilahan ang kaniyang dalawang negosyo na ginagamit niya para masuportahan ang kaniyang mga pagtulong at kawanggawa
  • Sabi naman ng mga netizens, kabutihan ng kalooban niya ang lucky charm niya

Ibinahagi ng kilalang “Pinoy at heart vlogger” na si Basel Manadil o mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer” kung ano nga ba ang mga maituturing niyang “lucky charms” na sikreto kung bakit malakas ang kita o benta ng kaniyang mga negosyo rito sa Pilipinas, na ginagamit naman niya sa pagtulong at pagkakawanggawa, para sa mga Pilipino.

Makikita sa kaniyang Facebook post na ang mga lucky charms daw niya ay mga “stray cats.” Bukod sa mga pusa, naniniwala umano siya sa “good karma” o lahat ng mga kabutihang ginawa mo sa kapwa ay maibabalik din sa iyo ng kapalaran, hindi man ngayon, subalit sa takdang panahon.

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

“I believe in GOOD KARMA. Lahat ng negosyong tinatayo po natin to provide jobs and opportunities lahat, pinipilahan not only because masarap at de-kalidad pero dahil presyong pangmasa po mga tao.  All my establishments are surrounded and guarded by stray cats that we look after, my lucky charms,” saad niya.

Subalit sabi naman ng mga netizens, higit pa sa mga stray cats ang dahilan kung bakit mapalad at punumpuno ng biyaya ang Syrian vlogger na ito, na kamakailan lamang ay pinag-usapan ang mga “payat days” niya noong nasa kolehiyo pa siya, dito sa Pilipinas.

Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil ibinahagi ang mga larawan at kuwento ng kaniyang “payat days”

“Sir Basel, I think your lucky charm is your kindness, because you are a good person, you helped a lot of needy people especially Filipino people. God almighty will give in return to you. God bless you always and may the Lord continue to shower abundant blessings in your businesses,” saad ng isa.

Turan naman ng isa,” Ang lucky charm mo ay ang busilak mong kalooban! Kahit na iba ang lahi mo, mas Pilipino ka pa kaysa sa ibang Pilipino nga pero wala namang malasakit sa kapwa nila! I adore you for that!”

“That’s true, Basel! When you plant kindness into something/someone, it will come back to you in hundred folds. Keep the good work going. Nothing beats a man with a golden heart,” pagbati naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

Ang kaniyang ama ay isang Lebanese at ang kaniyang ina naman ay Syrian. Noong 2013, nilisan ng kaniyang pamilya ang kanilang bansa dahil sa Syrian Civil War. Umuwi sa Lebanon ang kaniyang pamilya kasama ang kanilang aso. Siya naman nagtungo at nanirahang mag-isa rito sa Pilipinas. Kumuha siya ng Computer Engineering sa  University of Perpetual Help at natapos naman niya ito.

Noong Disyembre 2016, sinimulan niya ang vlogging upang itampok ang kaniyang mga pagtulong sa ating mga kababayan, hanggang kasalukuyan. Hindi man siya tagarito, mahal na mahal niya naman ang mga Pilipino.

Samantala, dalawa sa mga dinarayong negosyo ni Basel ay ang “YOLO Retro Diner PH” at “Yeoboseyo Korean Mart PH.”

Source :

Facebook, DF News

Loading…