TikTok users nawindang sa video ng “worst apartment” sa New York; humakot ng higit 21 million views

Imahe mula sa TransPH
  • Mga TikTok users nabigla sa isang video na ibinahagi ng isang realtor sa New York City
  • Ipinakita ni @newyorkcityrealtor ang TikTok video ng isang napakaliit na apartment unit na tinawag niyang “worst apartment ever”
  • $1,650 a month o katumbas ng P79,320 ang upa sa maliit na apartment unit

Nabigla ang mga TikTok users nang ibahagi ng isang realtor o property agent noong nakaraang linggo ang video ng “worst apartment ever” sa New York City. Super viral ang TikTok video na mayroon nang 21.6 million views.

Screenshot mula sa TikTok video ni @newyorkcityrealtor

“People asked me ‘what is the worst apartment you’ve ever seen?’ I’m gonna show you,” panimula ni Cameron Knowlton na ang Tiktok account name ay newyorkcityrealtor.

Ipinakita niya ang isang maliit na silid na walang banyo, walang lutuan, walang freezer pero may maliit na refrigerator at may isang aparador. Ang upa raw doon ay $1,650 o katumbas ng P79,320 kada buwan.

“And before you ask, yes, this is a real apartment. This is what $1,650 gets you in the most desired neighborhood in New York City. Zero oven, one mini fridge, no stove and only one singular closet,” aniya.

Sabi pa niya,” If you want to know where the bathroom is like the part 2 (ng video).”

Hindi sinabi ni Knowlton ang eksaktong address ng apartment bilang respeto sa may-ari ng paupahan, pero sinabi niyang nasa West Village iyon na nasa western section ng mas malaking Greenwich Village neighborhood na nasa Lower Manhattan sa New York City.

Screenshot mula sa TikTok video ni @newyorkcityrealtor

Aniya, nalaman lang niya ang tungkol sa apartment na iyon mula sa open listing o sa email na ipinadadala ng mga management companies sa mga katulad niyang realtor. Karaniwan umanong hindi ipino-post online sa New York City ang mga “less-than-desirable” units.

Sa sumunod niyang video, ipinakita niya ang magkahiwalay na toilet at bathroom na parehong maliit. Pinagsasaluhan daw iyon ng buong “apartment complex.” Sabi ni Knowlton, malinis naman daw ang  banyo, pero kailangan daw ng hiwalay na susi para makapasok doon.

Ayon sa isang website, ang average monthly rent sa Manhattan ay $3,790 para sa apartment unit na may average size na 65 square meters.

Naniniwala si Knowlton na ang maliit at may kamahalang apartment unit ay mauupahan kaagad.

“It’s one of the most desired neighborhoods in the world so people will rent it,” sabi niya.

I-CLICK ang imahe para sa VIDEO.

Screenshot mula sa TikTok video ni @newyorkcityrealtor

Umabot sa mahigit 41,000 ang nagkomento sa TikTok video niya.

Sabi ng isa ay mas maganda pa raw ang kuwarto ni Harry Potter na nasa ilalim ng hagdanan. May nagsabi naman na hindi iyon apartment, kundi isang compartment.

Ayon naman sa isang taga-Texas, makakaupa na siya ng bahay na ang sukat ay 177 square meters sa kalahati lang ng halaga ng New york apartment na ipinakita ni Knowlton.

Source :

TikTok, Buzzfeed

Loading…