Tinataob mo rin ba ang mga bote ng condiments kapag paubos na?

  • Maraming naka-relate sa isang netizen na nagbaligtad ng mga boteng kinalalagyan ng sikat na sarsa sa Pilipinas
  • Ginagawa ito upang masimot ang laman
  • Maraming nagbahagi ng kanilang mga karanasan hinggil dito

Naranasan mo na bang itaob ang mga bote ng condiments kapag kaunti na lamang ang laman nito, para masimot?

Iyan ang ibinahagi ng CEO at Founder ng Mont Albo Massage Hut at dating Instructor Biology and Genetics sa University of the Philippines Los Baños na si Nol Montalbo.

Makikita sa kaniyang Facebook post ang mga bote ng isang masarap na sawsawang tatak-Pinoy na puro nakataob; upang bumaba ang laman  nito na nasa dulo na.

Imahe mula sa Facebook account ni Nol Montalbo

“Ang dami talagang kakaiba sa bahay namin,” saad niya, at nagbiro pa siyang baka naman puwede siyang isponsoran ng naturang “sawsawan ng bayan.”

Naaliw naman ang mga netizens dahil maraming naka-“relate much” dito.

“Dapat ubusin hanggang sa huling patak! Ganiyan din ang gawain namin, sa amin naman po sa ketchup hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sayang kasi Doc Nol ganyan din sa bahay namin, si Mama Chuchay naman ‘yung nag-uutos.”

“Ganyan din ginagawa namin kahit sa ketchup. Tapos para mas simot na simot, nilalagyan namin ng konting tubig, tapos solve na solve na kami hahaha,” pagbabahagi naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Hay naku! Ganyan din kami. Minsan nilalagyan ng konting tubig para makuha lahat. Hahaha. Nakaka-miss ‘yung mga ganyang gawain, lalo na noong medyo hirap na hirap na kami. Lahat ng puwedeng mapagtiyagaan, itinataob namin.

Imahe mula sa Facebook account ni Nol Montalbo

“Natatandaan ko noon, madalas wala kaming masarap na ulam. Kaya ang ginagawa ng Nanay ko, bumibili siya ng Mang Tomas. Kasi napapasarap daw nito ang mga pritong ulam, saka kahit na gawing ulam iyan, sulit na sulit pa rin, parang ma-imagine mong kumakain ka na rin ng lechon. Those were the days!” kuwento naman ng isa.

Ikaw, nagawa mo na rin bang itaob ang mga condiments para sulit na sulit at simot-sarap?

Source :

Facebook

Loading…