Tupang si Baarack halos ‘di na makakita sa sobrang kapal ng balahibo

Imahe mula sa Edgar's Mission
  • Isang tupa ang natagpuang pagala-gala sa loob ng isang kakahuyan sa Australia
  • Napakakapal ng wool nito kaya halos hindi na ito makakita
  • Ang karaniwang ilang minuto lang, inabot ng isang oras ang pagtanggal sa wool ni Barack dahil sa sobrang kapal

Isang tupa ang nailigtas nang maispatan ito ng isang taong dumaraan sa isang kakahuyan sa Australia. Agad itinawag sa isang animal sanctuary ang kalunos-lunos na kalagayan ng tupa na pinangalanang Baarack.

Imahe mula sa Edgar’s Mission

Sobrang bigat ng dinadala ni Baarack dahil tinatayang limang taon itong hindi nagupitan ng balahibo o wool, ayon sa Edgar’s Mission Farm Sanctuary sa Lancefield, Victoria.

Mayroon umanong dating nagmamay-ari kay Baarack dahi may ear-tagging ito na natanggal na kasabay ng pagkapal ng wool sa mukha ng tupa.

“It would appear Baarack was once an owned sheep. He had at one time been ear-tagged, however these appear to have been torn out by the thick matted fleece around his face,” sabi ni Kyle Behrend ng Edgar’s Mission.

Aniya, ang mga tupa ay dapat ginugupitan ng balahibo taon-taon dahil kung hindi ay kakapal lang ito nang kakapal, tulad ng nangyari kay Baarack. Umabot sa 35.4 kilos ang wool na nakuha mula sa kanya.

Imahe mula sa Edgar’s Mission

“Sheep need to be shorn at least annually otherwise the fleece continues to grow and grow, as happened here. After his much-needed shearing, Baarack’s fleece weighed in at 35.4 kilogram,” sabi ni Behrend.

Nang matanggal ang makapal na balahibo ay nalamang underweigth ang tupa. Mahigit isang oras ang inabot bago naialis ang lahat ng wool ni Baarack. Sa karaniwan ay ilang minuto lang ang inaabot ng paggupit ng mga balahibo ng isang tupa.

Imahe mula sa Edgar’s Mission

“While his hooves were in great condition from running over the rocks in the forest, he was in a bit of a bad way. He was underweight, and due to all of the wool around his face he could barely see.

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Baarack kasama ang iba pang tupa sa loob ng animal sanctuary.

Imahe mula sa Edgar’s Mission

Loading…