Used disposable face mask puwedeng gamitin sa paggawa ng mga kalsada

Imahe mula sa DENR
  • Used disposable face mask maaaring gamitin sa paggawa ng mga kalsada
  • Sa pag-aaral ng RMIT sa Australia, ang shredded face mask na inihalo sa recycled concrete aggregate ay nakatulong para maging matibay ang materyales sa paggawa ng kalsada
  • Tatlong milyong piraso ng face mask ang magagamit sa isang kilometrong kalsada na may dalawang lanes

Nagbibigay ng proteksyon kontra sa COVID-19 ang single-use disposable face mask subalit nakadaragdag ito sa problema sa kapaligiran dahil hindi lang sa mga landfills napupunta ang mga ito kundi maging sa mga karagatan din.

Imahe mula sa Matador News

Ang mga researchers sa RMIT University sa Australia ay nakagawa ng paraan upang magamit ang mga itinapong face masks. Ginamit nila itong panghalo sa processed construction rubble, na tinatawag ding recycled concrete aggregate (RCA).

Ayon kay Professor Jie Li, na namumuno sa research team ng RMIT, naisip nilang ihalo sa construction materials ang face masks matapos nilang makakita ng mga nagkalat na used face masks sa mga kalsada.

“We know that even if these masks are disposed of properly, they will go to landfill or they’ll be incinerated. The COVID-19 pandemic has not only created a global health and economic crisis but has also had dramatic effects on the environment. If we can bring circular economy thinking to this massive waste problem, we can develop the smart and sustainable solutions we need,” ani Prof. Li.

Imahe mula sa RMIT

Pinaghalo nila ang 1% ng shredded face mask at 99% RCA at maganda ang resulta matapos isailalim sa stress, acid at water resistance tests. Nakatulong umano ang face mask sa tigas at tibay ng finished product, na idinisenyo upang magamit na base layer sa mga kalsada.

Batay sa kanilang pag-aaral, sa isang kilometrong kalsada na may dalawang lanes, nakagamit sila ng tatlong milyong piraso ng used face mask.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon sa RMIT research team, umaabot sa 6.8 billion pieces ng disposable face mask ang nagagamit kada araw sa buong mundo.

Ang resulta ng RMIT research ay na-publish sa journal na Science of the Total Environment.

Source :

RMIT, GMA Network

Loading…