Valentine’s Day horoscope sa socmed pages ng DepEd para sa lovelife ng mga estudyante binatikos

Screenshot ng socmed post ng DepEd
  • Valentine’s Day horoscope para sa lovelife ng mga estudyante na naka-post sa socmed pages ng DepEd binatikos
  • Wala naman daw relevance ang naturang posts sa education sector na apektado ng pandemya
  • Sinabi ng DepEd na hindi awtorisado ang mga post at nagsasagawa na umano ito ng imbestigasyon

Pinutakti ng kritisismo ang Department of Education (DepEd) matapos nitong maglabas sa mga social media pages nito ng Valentine’s Day horoscope para sa lovelife ng mga estudyante.

Screenshot ng socmed post ng DepEd

Kinuwestyon ng mga social media users kung ano ba ang relevance ng Valentine’s Day horoscope sa mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ang Valentine’s Day campaign ng DepEd ay tinawag na “Ano’ng Kapalaran mo ngayong Valentines.”

“Single? Taken? It’s complicated? Hard pass dahil busy sa pag-aaral? Okay lang ‘yan. Alamin ang iyong kapalaran ngayong Valentine’s ayon sa zodiac signs. Ngunit tandaan, ang mga bituin ay gabay lamang. Nasa iyong pagpapasya pa rin ang kahihinatnan ng mga bagay,” ang sunud-sunod na mensahe ng DepEd sa Twitter na may kasamang larawan ng mga zodiac signs.

Dahil sa mga negatibong reaksyon ng netizens ay agad na tinanggal ang mga naturang posts. Narito ang ilan sa mga komento:

Screenshot ng socmed post ng DepEd

“You really think this helps your stakeholders, primarily the students?”

“I’m all for your pa-relevant tweets to appeal more to your audience, but this is counterproductive to the kind of thinking we want our students to have. And considering the age group where most of them are in, romantic relationship isn’t one of those things they should be worrying about right now.”

Maging ang singer na si Leah Navarro ay may reaksyon sa DepEd posts.

“Don’t you have better things to do, @DepEd-PH? Like improve our esducatiaonal system?”

Screenshot ng tweet ni Leah Navarro

Agad namang naglabas ng pahayag ang DepEd hinggil sa isyu at sinabing hindi awtorisado ang mga posts.

“We consider the incident as a serious breach of protocol and a formal investigation is now ongoing,” giit ni DepEd Public Service Affairs Director June Arvin Gudoy.

Nagsasagawa na umano ang kagawaran ng pag-iimbestiga.

Loading…