Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nagbanta na muling sususpendihin ang business permit ng NLEX

Imahe mula sa Valenzuela City Government
  • Napundi na naman si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa NLEX
  • Muli na naman umano siyang nakatatanggap ng mga reklamo hinggil sa RFID system ng NLEX
  • Kapag hindi naisaayos ang sistema ng NLEX sa ika-26 ng Pebrero ay sususpendihin ulit ang business permit nito

Pinag-iisipan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na muling suspendihin ang toll business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation dahil hindi umano nito tinutupad ang mga nauna na nilang napagkasunduan.

Imahe mula sa Valenzuela City Government

Patuloy pa rin umano na nakatatanggap ang city government ng mga reklamo mula sa mga residente tungkol sa cashless tollway system ng NLEX.

Babala ni Mayor Gatchalian, kapag nakatanggap pa rin sila ng mga reklamo mula sa mga motorista paglampas ng ika-26 ng Pebrero ay muling sususpendihin ang business permit ng NLEX.

“Mayor @rex_gatchalian calls for a TWG meeting with NLEX execs today to raise the RFID [radio frequency identification] complaints the City Mayor has received the past week. Mayor REX warned NLEX that if there will be complaints after February 26, their business permit might be suspended again,” saad sa post ng Valenzuela City government sa Twitter.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay sinuspinde ni Mayor Gatchalian ang business permit ng NLEX dahil sa defective RFID system nito na nagdulot ng malubhang trapiko sa Valenzuela City.

Imahe mula sa Valenzuela City Government

Ayon sa alkalde muli na naman siyang nakatanggap ng mga parehong reklamo mula sa mga motoristang taga-Valenzuela.

Nagbigay naman ng panahon ang mayor upang ayusin ng NLEX ang sistema nito, pero kapag lumampas ang palugit at wala pa ring pagbabago ay tutuluyan na ng alkalde na muling suspendihin ang business permit ng kumpanya.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Rex Gatchalian

“Same type of complaints. We agreed to give them time to debug their system upgrade.  Our cut-off is Feb 26. After which no more of these types of concerns,” wika ng mayor.

Source :

Inquirer, Tribune

Loading…