Viral na mangangalakal na sumailalim sa transformation, may bagong trabaho na

Imahe mula kay Richard Strandz
  • Naging trending ang transformation ng isang mangangalakal sa Pampanga
  • Matapos nito ay binigyan din siya ng trabaho ng makeup artist sa likod ng kaniyang transformation
  • Hiling ni Richard Strandz, sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng buhay ni Dennis Pascual

Naging usap-usapan sa social media ang naging transformation ng isang mangangalakal na nagmistulang celebrity sa ginawang photoshoot sa kaniya ng isang makeup artist sa Pampanga.

Imahe mula sa Facebook | Richard Strandz

Matapos na mag-viral ay nagkaroon ng oportunidad si Dennis Pascual na magkaroon ng bagong trabaho.

Nagdesisyon kasi si Richard Strandz, ang may-ari ng hair and makeup studio sa likod ng kaniyang photoshoot, na kupkupin na si Dennis at bigyan siya ng hanapbuhay bilang taga-linis ng kaniyang shop.

“Naisipan ko na sabihin sa kaniya na kung gusto niya, dito muna siya mag-stay. Dito muna siya magtrabaho. Siya ‘yung tagalinis dito sa shop para at least hindi na siya nangangalakal sa labas,” sabi ni Richard sa kaniyang vlog.

Kuwento ni Dennis, wala na siyang pamilya at natutulog lamang siya sa lansangan. Dati pa raw nakikita ni Richard si Dennis dahil mayroong junk shop malapit sa kaniyang studio kaya naman naglakas-loob siya kausapin ito upang bigyan ng transformation.

[Related: Basurero na homeless, nagkaroon ng total make-over at nagmukhang isang tunay na modelo]

Imahe mula sa video ni Richard Strandz via YouTube

Ginupitan, inahitan, at pinagsuot ni Richard si Dennis ng magarbong damit kaya naman nagmukha itong isang celebrity.

Hiling ni Richard, sana ay magtuloy-tuloy na ang pagtatrabaho sa kaniya ni Dennis. “Basta magpakabait si Kuya Dennis, tutulungan natin siya rito,” sabi ni Richard.

Nagpasalamat din siya sa Diyos dahil nagsilbi siyang instrument upang mabago ang buhay ng mangangalakal.

“God, kung kami man po ‘yung paraan para maging mas okay na po ‘yung buhay ni Kuya Dennis, nagpapasalamat po kami dahil ngayon nagtatrabaho na po siya rito sa shop. Sana po maging maayos na po talaga ang kaniyang buhay,” aniya pa.

Panoorin dito ang vlog ni Richard:

Source :

YouTube, DF Buzz

Loading…