
- Nag-sorry si Ez Mil sa mga listeners na na-offend sa historical inaccuracy tungkol kay Lapulapu na ginamit niya sa viral rap song niyang Panalo
- Ginawa raw niya iyon bilang isang taktika para mapag-usapan ang kanta niya
- Humakot na ng mahigit 18.2 million views anim na araw pa lang matapos ilabas sa YouTube ang video ng performance niya sa Wish Bus USA
Humingi ng paumanhin ang Pinoy rapper na si Ez Mil sa mga taong na-offend sa lyrics ng viral song niyang “Panalo (Trap Cariñosa)” na humakot na ng mahigit 18.2 million views anim na araw pa lang matapos ilabas sa YouTube ang video ng performance niya sa Wish Bus USA.

Sa reaction video na ginawa niya sa viral performance niya sa Wish Bus USA, nag-sorry siya na hindi tugma sa tunay na kasaysayan ng buhay ni Lapulapu ang ginamit niya sa lyrics ng kanta. May paliwanag naman siya kung bakit ganoon ang ginawa niya.
“Nanalo na ako nung mula pa na pinugutan si Lapu sa Mactan…” ang kontrobersyal na linyang ginamit sa rap song niya kahit alam raw niyang hindi naman ganoon ang nangyari kay Lapulapu.
Isang taktika raw ang ginawa niya upang mapag-usapan ang kanta.
“Why I chose the term, ‘pinugutan si Lapu sa Mactan.’ Because in terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in closing out a song. Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it? It’s like me weighing off the options. That’s me putting an exaggerated term in a ploy to drive traffic and talk,” paliwanag niya.

“And I’m sorry to anybody who was offended with the fact that me being putting inaccurate sources in our history as Filipinos. That’s why the song is what it is right now. The way I wrote that got people talking. Got people agreeing to it. Got people disagreeing, got people in the in-betweens. The way it is now, people are talking about it,” sabi pa niya.
Ang kantang “Panalo” na na-release noong nakaraang taon ay kasama sa album niyang “Act 1.”
Ang reaction video — “Panalo” / Ez Mil. (reaction, comment & shoutouts) by HBOM & Ez Mil