Virtual concert ni Regine Velasquez, postponed matapos niyang ma-expose sa COVID patient

Imahe mula sa Instagram | Regine Velasquez at ABS-CBN
  • Hindi muna matutuloy ang virtual concert ni Regine Velasquez matapos niyang makasalamuha ang isang COVID patient
  • Matapos ang exposure ay kinailangang sumailalim ng Asia’s Songbird sa quarantine
  • Ikinalungkot ito ni Regine ngunit naniniwala raw siyang may mas magandang plano ang Diyos para sa kaniyang concert

Postponed ang nakatakdang virtual concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos niyang makasalamuha ang isang COVID-19 positive patient. Sa kasalukuyan ay sumasailalim siya sa quarantine.

Imahe mula sa Instagram | Regine Velasquez

Sa pahayag ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications, sinabi nilang hindi matutuloy ang “Freedom” concert ni Regine na nakatakda sana sa February 14, Araw ng mga Puso. “Regine was recently exposed to someone who tested positive for COVID-19 and she is now in quarantine,” sabi pa nila sa pahayag.

Humingi rin sila ng paumanhin sa mga nakabili na ng ticket para sa digital concert. “We apologize for any inconvenience that this may have caused. All tickets sold with the original date will be honored on the new ‘Freedom’ concert schedule, which will be announced soon,” dagdag nila.

“The health and safety of our artist and staff is our priority and we are thankful for your support and understanding.”

Imahe mula sa Twitter | Regine Velasquez

Samantala, ikinalungkot naman ni Regine ang pagka-postpone ng concert dahil pinaghandaan niya raw ito. “Sayang ‘yong date natin, ‘no? I was sooooo looking forward to it pa naman,” aniya sa isang post sa Twitter.

Sinabihan niya rin ang kaniyang followers na huwag mag-alala sa kaniya dahil maayos naman ang kaniyang kalagayan matapos ang exposure.

“But don’t worry, I am okay. Maga lang face ko coz I’ve been crying. But like I said, GOD has a plan and His plans are always better. Stay safe, guys,” mensahe ni Regine sa followers.

Nagpasalamat din siya sa suportang kaniyang natanggap. “Thank you, guys. I am overwhelmed. Daming love. Thank you again.”

Source :

Twitter, Twitter

Loading…