Vitamin D deficiency nakita sa 80% ng COVID-19 patients sa isang pagamutan sa Spain

Screenshot mula sa CGTN video
  • Vitamin D deficiency natuklasan sa 80% ng mga COVID-19 patients sa isang pagamutan sa Spain
  • Inirekomenda ng mga researchers na gumamit ng vitamin D treatment sa mga COVID-19 patients na may mababang lebel ng vitamin D sa katawan
  • Ang pinakamainam daw na approach ay kilalanin at bigyan ng lunas ang mga taong may vitamin D deficiency, lalo na ang mga high-risk individuals tulad ng mga matatanda

Otsenta porsyento (80%) ng mga COVID-19 patients sa isang pagamutan sa Spain ay may kakulangan sa vitamin D, ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng mga researchers.

Imahe mula sa BCP

Ayon sa research team, 80% ng 216 COVID-19 patients sa Hospital Universitario Marqués de Valdecilla ay may vitamin D deficiency. Mas marami raw ang mga lalaki kaysa sa mga babaeng pasyente na may mababang lebel ng vitamin D.

Nadiskubre din ng mga researchers na ang mga pasyenteng may kakulangan sa vitamin D ay may mataas na lebel ng ferritin at D-dimer, mga uri ng blood protein. Karaniwang mataas ang lebel ng dalawang nabanggit na protina sa mga may COVID-19 infection.

Ang findings ng mga researchers ay ipinublish ng Endocrine Society sa kanilang Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism.

Ayon naman sa resulta ng hiwalay na pag-aaral na ginawa sa 489 na tao, mas malaki raw ang tsansang magkaroon ng COVID-19 infection ang mga may mababang lebel ng vitamin D hormone sa dugo (Ang vitamin D hormone ay ginagawa ng kidney. Kumokontrol ito sa blood calcium concentration at nakaaapekto sa immune system) kaysa sa mga taong normal ang vitamin D hormone level.

Imahe mula sa Amchara

Sa isa pang maliit na pag-aaral na ginawa, isa lang sa 50 COVID-19 patients na binigyan ng calcifediol, na isang uri ng vitamin D, ang kinailangang dalhin sa intensive care unit (ICU). Sa isang control group naman na hindi binigyan ng calcifediol, 13 sa kanila ang dinala sa ICU.

Pangkaraniwan na sa United States ang vitamin D deficiency. Partikular ang mga Black at Hispanic people doon na may kakulangan sa vitamin D hormone.  Batay sa datos, ang dalawang grupong ito ng mga mamamayan sa US ang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19.

Aminado ang mga eksperto na kailangan pa ng mas maraming pag-aaral ukol dito, pero sinabi ng isa sa mga researchers na si Dr. José L. Hernández ng University of Cantabria sa Santander, Spain, dapat daw na irekomenda ang vitamin D treatment sa mga COVID-19 patients na may vitamin D deficiency dahil mainam daw ito para sa muscoloskeletal at immune system ng katawan.

Imahe mula sa Indiacom

Iminungkahi niya na ang pinakamainam na approach ay kilalanin at bigyan ng lunas ang mga  may vitamin D deficiency, lalo na ang mga high-risk individuals gaya ng mga matatanda, mga pasyenteng may endocrine conditions at mga nursing home residents na itinuturing na vulnerable sa pagkakaroon ng severe case ng COVID-19.

Loading…