Wallet ng US Navy veteran na naiwala sa Antarctica naibalik sa kanya pagkalipas ng 53 years

Screenshot mula sa CBS 8 video
  • Ang pitaka na naiwala sa Antarctica ng isang US veteran ay naibalik sa kanya makalipas ang 53 years
  • Natagpuan ang wallet noong 2014 sa isang locker nang i-demolish ang scientific base sa Ross Island kung saan nadestino noon ang beterano
  • Maraming email, mensahe sa Facebook at mga liham ang nagpalitan sa pagitan ng mga taong nagtulung-tulong para mahanap ang may-ari ng wallet

Isang US Navy veteran ang nasorpresa nang matanggap ang kulay brown na leather wallet na matagal na niyang naiwala noong nadestino siya sa Antarctica bilang isang meteorologist limampu’t tatlong (53) taon na ang nakalilipas.

Screenshot mula sa CBS 8 video

Sa tagal ng panahong lumipas ay nakalimutan na nga raw ni Paul Grisham, 91 years old, ang tungkol sa pitakang nawala nang kontakin siya ng mga taong humanap sa kaniya para maibalik iyon.

Ang wallet ay nadiskubre noon pang 2014 nang i-demolish ang scientific base sa Ross Island kung saan nadestino si Grisham bilang isang weather forecaster mula October 1967 hanggang Novemeber 1968.

Nakitang nakatago sa likod ng isang locker ang kanyang pitaka na ang laman ay ang kanyang Navy Identification card, driver’s license, reference card na nagsasabi kung ano ang dapat gawin sa oras na magkaroon ng biological o chemical weapons attack, ration card ng beer at mga resibo ng money transfer para sa asawa niya.

Sabi ni Grisham, maraming tao ang involved para matunton siya matapos ang matagal na paghahanap.

“I was just blown away. There was a long series of people involved who tracked me down and ran me to ground,” anang beterano.

Screenshot mula sa CBS 8 video

Bago siya natunton, maraming email, mensahe sa Facebook at mga liham ang nagpalitan sa pagitan ng mga taong nagtulung-tulong para mahanap siya. Kabilang sa mga ito sina Stephen Decato at ang anak niyang babae na si Sarah Lindbergh, at si Bruce McKee.

Naibalik nila kay Grisham ang pitaka na nasa maayos na kondisyon bagama’t bahagya na iyong kumupas.

“It’s a little faded like I am,” pabirong sabi ni Grisham nang maibalik sa kanya ang pitaka.

Screenshot mula sa CBS 8 video

Panoorin ang kanyang kuwento sa videon na ito ng CBS 8:

Loading…