Working student, ibinigay sa co-worker ang kotse na napanalunan sa pa-raffle ng kumpanya

Imahe mula sa Chick-fil-A Appleton
  • Ibinigay ng isang working student sa co-worker ang napanalunang kotse sa pa-raffle ng kumpanya 
  • Ibinigay ni Haley Bridges ang 2008 Hyundai Elantra kay Hokule’a Taniguchi dahil nagbibisikleta lang ito papasok at pauwi mula sa trabaho
  • Bago pa simulan ang raffle ay nagkasundo na si Haley at ibang co-workers na ibigay kay Hoku ang kotse kapag sila ang nanalo

Naging tampok sa mga balita ang isang 17 years old na working student na empleyado ng Chick-fil-A sa Wisconsin dahil ibinigay niya sa co-worker ang napanalunan niyang kotse sa pa-raffle ng kumpanya.

Screenshot mula sa Local 05 video

Napanalunan ni Haley Bridges ang isang 2008 Hyundai Elantra sa Christmas raffle para sa branch nila sa Appleton, kung saan limang buwan pa lang siya noon na nagtatrabaho.

Bago pa magsimula ang raffle ay ipinangako na niya sa co-worker na itinuturing niyang “sister” na si Hokule’a Taniguchi ang kotse kung sakaling siya ang mananalo.

Nalaman daw noon ni Haley mula sa ibang kaibigan at co-workers na si Hoku, tawag nila kay Taniguchi, ay nagbibiskleta lang papunta at pauwi sa trabaho na kung susumahin ang distansya ay limang milya balikan.

“The car was the only raffle where we couldn’t pool our tickets, it was one ticket per person. Our friend group and some other friends decided to all put one in for her. We were all very nervous that someone else would get chosen, but we kept our hopes up,” sabi ni Haley sa isang interview.

Imahe mula sa Chick-fil-A Appleton

Maraming papremyo sa raffle sa Christmas party nila na ginanap noong January 10, 2021 at ang Hyundai Elantra ang grand prize.

“I didn’t need a second chance to think about it. It’s her car if I win. My name got called and we looked at each other and she just started crying. We ran up to each other and hugged each other. Everyone else just ran up to us and hugged us. We were just so happy for Hoku that she could finally have her own car. It was so surreal,” sabi pa ni Haley.

Screenshot mula sa Local 05 video

Dahil sa kabutihang ginawa ni Haley para sa kaibigan ay gumawa ang isa niyang tiyahin, si Debbie Fabel,  ng Facebook fundraiser para tulungan naman siyang makabayad sa sariling kotse na nagkakahalaga ng $4,000 na hinuhulugan niya ng $50 a month.

Nakalikom ang online fundraiser ng halagang sapat para mabayaran ni Haley ang balanse sa kotse.

Wow! Kindness rewarded with another form of kindness!

Loading…