World Chess champion na si Magnus Carlsen pinataob na naman ng Philippine-born na si Wesley So

Imahe mula sa Chess 24
  • Muling pinataob ni Wesley So ang Norwegian grandmaster na si Magnus Carlsen
  • Ang masaklap para kay Carlsen ay tinalo siya ni Wesley So sa mga espesyal na araw
  • Noong una ay sa araw mismo ng birthday ni Carlsen noong November 30, 2020 at ang ikalawa ay nitong Pebrero 14 na Valentine’s Day

Dalawang beses nang dinaig ni Philippine-born grandmaster na si Wesley So sa magkasunod na Meltwater Champions Chess Tour si Magnus Carlsen, ang Norwegian grandmaster na kasalukuyang may hawak ng korona bilang World Chess Champion, World Rapid Chess Champion, at World Blitz Chess Champion.

Imahe mula sa Chessbase

Ang masaklap pa para kay Carlsen, tinalo siya ni Wesley So sa mga espesyal na araw.

Unang pinataob ng tubong Cavite na si Wesley So si Magnus Carlsen noong nakaraang taon sa Meltwater Champions Chess Tour: Skilling Open sa mismong kaarawan ng Norwegian grandmaster.

Bilang isang maginoo, humingi pa ng paumanhin si Wesley So kay Carlsen dahil medyo ‘nasira’ niya ang birthday ng world champion.

“First of all I’d like to apologize to Magnus for semi-ruining his birthday, but I gotta try to win from time to time. You don’t want him to win ten tournaments in a row,” may halong birong paumanhin ng PH-born grandmaster.

Deserving naman daw na manalo si Wesley, ayon kay Carlsen na hindi nagbigay ng mga excuses sa kanyang pagkatalo.

Screenshot mula sa Chess24.5 video

Sa final naman ng Meltwater Champions Chess Tour: Opera Euro Rapid ngayong Pebrero, natalo ni Wesley si Magnus noong Valentine’s Day, February 14.

“This is big. It’s totally unexpected to beat Magnus in a match. To beat him twice in a match is unheard of really. Finally, I’d like to apologize to Magnus for ruining his Valentine’s Day,” wika ni Wesley So matapos itanghal na winner.

Pinasamalatan niya ang mga fans na nanood ng chess tournament; unang-una na ang mga Pinoy.

Imahe mula sa Chessbase

“All I can say is … First, thank you to the chess fans who watched… Filipinos, Indians, Norwegians, Chinese, Africans, Russians, Americans and on and on….. A startling moment for me to win this event and have all of you sort of there, nervous along with me,” post niya sa social media.

Nang tanungin siya kung bakit “solid” ang laro niya sa tournament, sinabi niyang ilang araw bago ang tournament ay hindi na siya nagpa-praktis ng chess. Pa-relax relax na lang daw siya – nood ng TV, basa ng libro at natutulog nang mula 10 hanggang 11 oras.

Loading…