Yam Concepcion, hiyaw to the max pa rin kahit ilang beses na nagpapa-swab test

Screenshot mula sa video ni Yam Concepcion via Instagram
  • Hiyaw to the max pa rin si Yam Concepcion sa tuwing sina-swab test siya
  • Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya nasasanay sa swab test
  • Sabi niya parang palala pa nga raw nang palala ang reaksyon niya sa RT-PCR test

Ang mga artista ay required na sumailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction test bago magsagawa ng shoot ng mga eksena sa teleserye upang matiyak ang kaligtasan ng lahat kontra sa COVID-19.

Imahe ula sa IDA

Karamihan nga sa mga celebrities ay sanay na sanay na sa mga swab test dahil paulit-ulit nang ginagawa sa kanila. Tulad na lang ng beteranang aktres na si Lorna Tolentino.

“Sabi ko nga sa kanila, parang lumaki na ang butas ng ilong ko sa kaka-swab test,” biro ni Lorna T.

Pero si Yam Concepcion ay hindi pa rin nasasanay dito kahit ilang ulit na siyang na-swab test. Hiyaw to the max pa rin siya sa tuwing sinusundot ang ilong niya para makakuha ng nasopharyngeal swab specimen.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktes ang video ng pinakahuling swab test sa kanya. Aniya, wala pa ring pinagbago ang reaksyon niya sa test. Katunayan ay palala nang palala raw ang reaksyon niya.

“Eto na naman tayo… nakailang swab na ko pero parang palala ako nang palala. Pasenya na. May pa close up pa, ah. Lol,” post ni Yam noong Biyernes, February 5.

Screenshots mula sa video ni Yam Concepcion via Instagram

Makikita sa video, na ang aktres na si Alexa Ilacad daw ang kumuha, na maging ang health worker na gumagawa sa kanya ng swab test ay napapahagikgik sa reaksyon niya.

Halos walang pinagbago ang reaksyon na ito ni Yam Concepcion sa mga naunang swab test. Maging sa unang video na ipinost niya sa social media noong December 16, 2020 ay napapahiyaw din siya sa tuwing ipinapasok sa ilong niya ang mahabang swab.

Screenshots mula sa video ni Yam Concepcion via Instagram

“Ganito ako every swab,” post noon ng aktres na inaasahang bibida sa bagong teleserye na pinamagatang “Init sa Magdamag” na posibleng ilabas ngayong  buwan ng Pebrero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Loading…