11 Chinese nationals nagsinungaling sa dahilan ng pagbisita sa bansa, pinabalik sa China at blacklisted na

Imahe mula sa ABC-CBN
  • 11 Chinese nationals hinarang sa NAIA
  • Napatunayang nagsinungaling ang turista sa tunay na layunin ng pagbisita nila sa bansa
  • Isinama na ang kanilang mga pangalan sa immigration blacklist

Hindi pinayagan ng mga officers ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok sa bansa ang labing-isang Chinese nationals dahil nagsinungaling sila sa tunay nilang dahilan ng pagbisita sa bansa.

Imahe mula sa ASEAN Travel News

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang 11 Chinese nationals ay nasabat sa paliparan noong Huwebes, March 11, sa NAIA Terminal 1 matapos nilang dumating doon sakay ng flight ng China Southern Airlines mula sa Guangzhou.

Sinabi pa ni Commissioner Morente na ang mga turistang Tsino na may hawak na entry exemption documents at temporary visitors visa, ay na-deny ng entry sa bansa matapos nilang sumailalim sa secondary inspection na isinagawa ng Travel Control and Enforcement Unit ng BI.

Ang ikalawang inspection ay ginawa para sa karagdagang assessment kasunod ng rekomendasyon ng primary inspectors.

Batay sa mga dokumentong iprinisinta ng mga turista, diumano ay inimbitahan sila sa bansa ng dalawang telecommunications companies upang dumalo raw sa mga conferences.

“Their testimonies during the interview, however, were highly inconsistent with the supposed purpose of their trip,” wika ni Morente na sinabi pang wala raw maipakitang katibayan o dokumento na imbitado nga sila ng mga telcom.

Imahe mula sa BI

“They claimed to be employed as engineers in China, but when asked by Immigration Officers Lazaro and Laxamana about basic details about their profession as well as their alleged conference, they could not provide any,” sabi pa ng BI commissioner.

Agad na pinasakay sa available flight pabalik sa China ang mga ito. Isinama na rin ang kanilang mga pangalan sa immigration blacklist.

Nilinaw ni Morente na ang pagkakaroon ng valid passport at entry exemption ay hindi garantiya na papayagang makapasok ng bansa ang isang banyaga dahil isasailalim pa ito sa mahigpit na immigration inspection pagdating sa Philippine port of entry.

Imahe mula sa PNA

Loading…