3 pelikulang gawa ng mga Pinay, pupuwedeng makapasok sa Best Picture ng Oscars

  • Tatlong pelikulang gawa ng mga Pinay kasama sa pagpipilian para sa mga nominasyon sa Best Picture ng Oscars
  • Iaanunsyo sa March 15 ang mga mapipiling nominado
  • Ang Oscars ang pinakaprestihiyoso at pinakapamosong award-giving body sa entertainment industry

Pasok sa mga pagpipilian para sa mga nominado para sa Best Picture ng Oscars ang tatlong pelikulang gawa ng mga Pinay.

Image by Yellow Rose via Facebook

Ang mga pelikulang tinutukoy ay ang Yellow Rose ni Diane Paraguas, Lingua Franca ni Isabel Sandoval at dokumentaryong A Thousand Cuts ni Ramona Diaz.

Mula rito, pipili ang mga Academy members ng lima hanggang sampung magiging nominado mula March 5 to 10. I-aanunsyo sa March 15 ang mga mapipiling nominado.

Sinulat at ginawa ni Paraguas ang Yellow Rose na kuwento ng isang undocumented Filipino girl na nagsusumikap para maabot ang pangarap na maging mang-aawit sa Amerika sa gitna ng banta ng posibleng deportation. Mas naging mahirap ang lahat nang ma-aresto ang nanay niya at hindi sila matulungan ng kanyang tita.

May pagkakahawig ang kuwento nito sa buhay ni Paraguas sapagkat ang mga magulang niya’y Filipino immigrants na nagpunta sa Texas para takasan ang Batas Militar sa Pilipinas.

Samantala, ang Lengua Franca ay kuwento ng isang undocumented transwoman na nagtatrabaho bilang caregiver para sa isang matandang babae sa Brighton, New York. Nagbibigay rin ito ng detalyadong salaysay sa mga isyung panlipunang kinakaharap ng mga Filipino undocumented immigrants na nakatira sa United States.

Kinilala ito bilang Best Narrative Feature noong nakaraang taon sa United States-based Bentonville Film Festival.

Talambuhay naman ni TIME Person of the Year at Rappler founder Maria Resa ang A Thousand Cuts na nakikipagsapalaran para sa kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.

Naiuwi ng dokumentaryo ang Global Impact Award sa ika-36 Los Angeles Asian Pacific Film Festival.

Ang Academy Awards o mas kilala bilang ang Oscars ay ang pinakaprestihiyoso at pinakapamosong award-giving body sa entertainment industry.

Loading…