$400-M loan ng Pinas para pambili ng COVID vaccine aprubado na ng ADB

Imahe mula sa ADB
  • Aprubado na ng ADB ang loan ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $400-M
  • Ang pera ay ilalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa 50 milyong Pinoy
  • Umaasa ang ADB na makatutulong ang suportang pinansiyal na ito para makabalik sa normal ang pamumuhay sa bansa

Aprubado ng Asian Development Bank ang loan ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $400-M (halos P19.4-B) na ilalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng ADB na ang Pilipinas ang kauna-unahang ng pinansiyal na suporta sa ilalim ng kanilang Asia Pacific Vaccine Access Facility (APVAX).

“ADB’s support will boost the Philippine government’s urgent efforts to secure and deploy COVID-19 vaccines for all Filipinos, especially those who are vulnerable, such as frontline workers, the elderly, and poor and marginalized populations, as well as those at increased risk of severe illness,” pahayag ni ADB President Masatsugu Asakawa.

Imahe mula sa Flickr

Umaasa ang ADB na sa pamamagitan ng financial support na ito ay makatutulong sila sa pagligtas ng buhay at sa mabilis at maagang pagbabalik ng normal na pamumuhay ng mga Pilipino.

“COVID-19 vaccines are critical to accelerating the recovery of the Philippine economy, rebuilding livelihoods, and restoring quality jobs” ayon pa kay Asakawa.

Maliban dito, tutulungan din ng ABD ang Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng kanilang Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 ng  APVAX (HEAL 2) project, sa pagbili at delivery ng bakuna na certified ng COVAX facility at yaong mula sa mga supplier na pumasa sa criteria ng APVAX.

Ang proyekto ay susuportahan ng karagdagang $300-M (P14.5-B) na cofinancing ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ang dalawang loans mula sa ADB at AIIB ay gagamitin upang makabili ng 110 milyong doses ng COVID vaccine para sa humigit-kumulang 50 milyong Pilipino.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Maliban sa HEAL at HEAL 2, nauna nang nagbigay ng suporta ang ADB sa COVID response ng gobyerno.

Kabilang rito ang  $3-M grant noong Marso 2020 in ipinambili ng emergency medical supplies at ipinatayo ng COVID-19 testing laboratory sa San Fernando, Pampanga; at $5-M grant para suportahan ang food supplies ng nasa 162,000 vulnerable households sa Metro Manila kalapit-probinsiya noong Abril hanggang Mayo 2020.

Mayroon ding ibinigay na $1.5-B loan noong Abril 2020, para sa wage subsidy at social amelioration program ng gobyerno; $200-M loan noong Abril 2020 para pondohan ang  emergency cash transfers sa mahihirap na pamilya; at $2-M grant para sa training ng mga guro at learning tools para sa tinaguriang ‘last mile schools’ sa malalayong lugar

Loading…