45% ng mga bilyonaryo sa Pilipinas ay Chinese – Hurun Report

Imahe mula sa SMIC
  • Siyam sa dalawampung bilyonaryo sa Pilipinas ay lahing Chinese
  • Ito ay batay sa Hurun Global Rich List 2021 ng Hurun Report
  • Ang pamilya Sy ang nangunguna sa richest dollar-billionaire sa bansa na may net worth na $13.9 billion

Malaki ang kontribusyon ng mga Chinese dollar-billionaire businessmen na umalis ng China at nanirahan sa ibang bansa sa Southeast Asia sa economic status ng rehiyon at ng mga bansa kung saan sila naroroon.

Imahe mula sa Hurun Report

Sa Pilipinas, siyam sa dalawampung (45%) bilyonaryo sa Pilipinas ay lahing Chinese ayon sa Hurun Global Rich List 2021 ng Hurun Report.

Isa sa mga kilalang super-rich ethnic Chinese na naninirahan sa Pilipinas ay ang Sy family, na kinilala rin ng Bloomberg bilang 10th richest sa Asia noong taong 2020. Palagi rin kabilang ang pamilya sa listahan ng Forbes’ Richest.

Sa ranking na inilabas ng Bloomberg noong November 2020, nasa 10th place ng listahan ang pamilya ng yumaong tycoon na si Henry Sy na mayroong net worth na $19.7 billion.

Ang Sy family ay nagmula sa Xiamen, China na nanirahan sa Pilipinas noong 1930s.

“Starting out in food and shoe retail, their business branched out into banking as well as property and today runs Banco de Oro, SM Supermarkets and SM department stores, among others,” ayon sa Bloomberg.

Pag-aari ng Sy family ang SM Prime Holdings, ang largest integrated property developers sa Pilipinas at sa Southeast Asia.

Imahe mula sa SMIC

Si Harley Sy ang humalili sa kanyang ama na si Henry Sy bilang executive director ng SM Investment Corporation habang sina Teresita at Henry Sy Jr. ang Vice-Chairperson aat Vice-Chairman ng korporasyon.

Kahit wala na ang founder ng SM, nananatiling pinakamayaman sa bansa ang kanyang mga tagapagmana na ang collective net worth ay P13.9 billion batay sa 2020 Forbes’ Philippines Richest List.

Loading…