50,000 doses ng COVID-19 vaccine nasayang daw dahil sa mishandling ng logistics company?

Imahe mula sa Nikkei Asia
  • May napaulat na nasayang ang 50,000 doses ng mga COVID-19 vaccines na donasyon sa Pilipinas dahil umano sa kapabayaan ng isang logistics company
  • Sinabi ni Sec. Duque na narinig niya ang balita subalit walang detalye kaya dapat daw na maimbestigahan
  • Sinabi  pa ng kalihim na malayong mangyari na ma-mishandle ang AstraZeneca at Sinovac vaccines dahil hindi naman nangangailangan ang mga bakunang ito ng “ultra low storage temperature”

May kumalat na balita na nasayang umano ang 50,000 doses na COVID-19 vaccines na donasyon sa Pilipinas dahil sa kapabayaan ng isang logistics company na hindi naka-comply sa standards ng pamahalaan.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na narinig nga niya ang balita tungkol sa mga nasayang na bakuna, subalit wala raw malinaw na detalye na ibinigay. Kailangan daw na maimbestigahan iyon.

“I heard that, but there were no clear details given. So that is something that has to be investigated,” anang kalihim.

Sinabi  pa ni Sec. Duque na malayong mangyari na ma-mishandle ang AstraZeneca at Sinovac vaccines dahil hindi naman nangangailangan ang mga bakunang ito ng “ultra low storage temperature.”

Ang mga iyon daw ay hindi katulad ng Pfizer at Moderna vaccines na kailangan ay frozen.

Aniya, ang mga bakunang natanggap na ng Pilipinas ay nangangailangan  lang ng normal refrigerator temperature.

“I cannot understand how they can be allowed to be mismanaged in a temperature that is easy to be achieved. So that’s something we have to look into,” anang kalihim.

Sabi pa niya, ang mga bakuna ng bansa ay nasa kumpanyang Metropac sa Marikina City.

Screenshot mula sa RTVM video

“They’re strictly following the storage temperature requirement,” paniniyak niya.

Samantala, nagpahayag ng pag-aalala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi agad dumating ang second dose ng COVID-19 vaccines para sa bansa na gagamitin para sa mga libo-libong frontliners na nabigyan na ng kanilang first dose.

Ayon sa Pangulo, ang 2nd dose ng bakuna ay dapat maibigay 12 weeks o tatlong buwan pagkatapos ng first dose.

Screenshot mula sa RTVM video

Loading…