80 toneladang taklobo nakumpiska sa Palawan; barangay chairman sangkot sa poaching

Imahe mula sa PCG
  • Walumpung tonelada ng taklobo shells ang nakumpiska ng PCG sa Johnson Island, Roxas, Palawan
  • Aabot sa P160 million sa black market ang halaga ng mga taklobo
  • Sasampahan ng kaso ang barangay chairman ng Johnson Island dahil sa pangunguna sa ilegal na pangunguha ng mga taklobo

Umabot sa walumpung (80) tonelada ang mga shells ng giant clams o taklobo ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Johnson Island sa bayan ng Roxas sa Palawan noong Miyerkules, March 3.

Imahe mula sa PCG

Ayon sa PCG, ang 324 piraso ng mga giant clam shells, na maibebenta sa black market nang hanggang P160 million, ay narekober mula sa ilang bahay sa naturang isla. Kasama ng PCG sa operasyon ang Palawan Council for Sustainable Development Staff, Marine Battalion Landing Team 3, at Bantay Dagat Roxas

Ang paghaharvest ng mga taklobo ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o ang Philippine Fisheries Code of 1998. Ang mga mahuhuling lalabag sa bataas ay maaaring patawan ng multang hanggang tatlong milyong piso at kulong na hanggang walong taon.

Sinabi ni Jovic Fabello, ang tagapagsalita ng conservation council ng Palawan, na sasampahan ng reklamong poaching ang barangay chairman ng lugar dahil sa pangunguna sa pagha-harvest ng mga taklobo.

Imahe mula sa PCG

Posible umano na inabot ng anim na buwan hanggang isang taon ang pagkolekta ng mga violators sa 80 tons ng mga taklobo shells.

Ang taklobo ang pinakamalaking bivalve mollusk sa buong mundo. Simula pa noong 1996 ay classified as vulnerable species ang taklobo batay sa Red List ng International Union For Conservation of Nature.

Noong 1980s, ang mga taklobo, na ang shells ay maaaring lumaki ng hanggang 1.4 meters,  ay halos itinuring nang extinct dahil sa walang habas na pangunguha ng mga tao bilang pagkain at para sa shell nito.

Imahe mula sa PCG

Ang shell ng taklobo ay ginagamit na materyales sa mga alahas, chandeliers, religious icons at iba pang mga produkto.

Loading…