99-anyos na lola na humahataw pa rin sa pagsayaw, walang planong tumigil

Screenshot mula sa Yahoo News video
  • Tuloy pa rin sa paghataw sa sayaw ang 99-year old na lola sa England
  • Isang matinding workout challenge ang sinimulan ni Dinkie Flowers para makalikom ng pondo na ido-donate niya sa charity
  • Gagawin niya ang workout challenge hanggang sa ika-100 kaarawan niya sa May 7

Sa darating na May 7 ay 100 years old na si Dinkie Flowers ng  Shoreham-by-Sea, Sussex sa England. Isa siyang professional dancer. Three years old pa lang siya nang magsimulang sumayaw at wala raw siyang balak na tumigil.

Screenshot mula sa GMA video

Kamakailan lang ay inumpisahan niya ang isang dance at workout challenge sa sarili dahil gusto bago dumating ang ika-100 niyang kaarawan ay makalikom siya ng pondo na ido-donate niya sa National Health Service Charities Together na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga senior citizens na tulad niya.

Matindi ang routine na ginagawa ni lola Dinkie – six workouts a week. Kabilang dito ang tatlong araw na tig-45 minutong exercise at tatlong araw din na 20 minutes na paglalakad.

Nagtuturo siya ng sayaw three times a week na ginagawa sa garahe ng bahay niya, pero nahinto iyon dahil sa pandemya at naisip niyang gamitin ang kanyang dancing skills para makatulong sa mga senior citizens sa kanilang bansa.

Ayon kay lola Dinkie, nalibot na niya ang mundo dahil sa pagmamahal niya sa sayaw. Nakapag-perform na siya sa royal family ng Iraq. Sumayaw na rin siya noong 1952 sa harap ni Prince Philip ng Britanya na nagbigay pa sa kanya ng royal letter of thanks.

Screenshot mula sa GMA video

“Ballet, tap modern, demi character, all of it. I’ve been all over the world dancing. I think anyone can dance, even if it’s only a little. It does you the world of good for one thing. Your using your body,” wika ni lola Dinkie.

Target niyang makalikom ng one thousand British Pounds hanggang sa May 7, subalit ngayon pa lang ay nahigitin na niya ito.

Loading…