ABS-CBN Entertainment, No. 1 You Tube channel sa Southeast Asia

Screenshot mula sa YT
  • Number 1 You Tube Channel ang ABS-CBN Entertainment sa Southeast Asia
  • Ito ay ayon sa data ng Tubular Labs
  • Malaki naman ang pasasalamat ng Kapamilya network sa kanilang tagumpay na ito

Muling pinatunayan ng ABS-CBN na sa kabila ng pagsasara ng kanilang free-to-air TV ay kaya pa rin nilang manguna sa larangan ng telebisyon at entertainment kahit sa ibang platform.

Ito ay matapos hirangin ang ABS-CBN Entertainment bilang pinakanangungunang You Tube channel sa Southeasat Asia dahil sa mahigit 32 milyong subscribers nito at 43 bilyong views na, base sa data ng global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

Screenshot mula sa Instagram ng ABS-CBN

Ang ABS-CBN Entertainment ay ang bagong digital channel ng Kapamilya network kung saan napapanood ang ilan sa mga sikat na ABS-CBN shows at teleserye tulad ng ‘Its Showtime’ at ‘FPJ’s Ang Probinsiyano.’

Malaki naman ang pasasalamat ni chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes dahil sa panibagong tagumpay na ito ng network na ipinasara ng Kongreso matapos mabigong makakuha ng bagong prangkisa noong Hunyo 2020.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga naka-subscribe sa aming YouTube channel at patuloy na nanonood ng ABS-CBN entertainment shows online. Ibinabahagi namin ang pagkilalang ito sa lahat ng aming mga Kapamilyang patuloy na minamahal at sinusuportahan ang aming mga palabas,” ani Vidanes sa isang pahayag.

Imahe mula sa ABS-CBN

Ipinangako rin ni Vidanes na patuloy silang gagawa ng mga “kuwento at karanasang nagbibigay ng saya at inspirasyon” at maghahanap pa ng mga paraan para maabot at mapaglingkuran ang mga Kapamilya.

Para naman kay ABS-CBN digital content publishing head Richard Reynante, malaking bahagi ng tagumpay ng kanilang YouTube channel ang Kapamilya Online Live dahil doon umaasa ang maraming Kapamilya na hindi ito napapanood sa TV.

Imahe mula sa ABS-CBN

“Nagpapasalamat kami sa aming subscribers na laging nakaabang sa mga paborito nilang programa at nakikipagbalitaktakan kasama ang iba pang tumututok sa live chat at habang gap shows,” wika naman ni Reynante.

Ang paglawak umano ng kanilang YT channel ay isang patunay na hindi lamang sa Pilipinas tinatangkilik ang kanilang mga programa kundi imaging sa ibang bansa rin.

Loading…