Alessandra de Rossi pinatulan ang basher na sumita sa kaniyang ‘kuda’ sa social media

Imahe mula sa Instagram ni Alessandra de Rossi
  • Binuweltahan ni Alessandra ang netizen na sumita sa kaniya sa social media
  • Sabi kasi ng basher ay tumulong na lang at huwag puro ‘kuda’
  • Sagot ng aktres, naubos na pera niya katutulong

Kilala si Alessandra de Rossi sa pagiging palaban sa social media o maging sa personal na buhay man lalo kapag sa tingin niya’y hindi na tama ang mga puna sa kaniya ng mga bashers.

Kamakailan isa na namang basher ang nakatikim ng ‘bagsik’ ng aktres matapos siyang sitahin sa mga post niya sa social media.

Isang Twitter user kasi ang pumuna sa diumano’y mga ‘kuda’ ni Alex tungkol sa sitwasyon ng bansa ngayong pandemya.

Screenshot mula sa Twitter

“Tumulong ka para madali masugpo ‘yung covid huwag puro kuda sa social media,” anang reply ng isang Twitter user na may handle na LNZ.

Tulad ng inaasahan, hindi ito pinalagpas ng ‘Through the night’ star.

“Naubos na pera ko sa kakatulong. Buti nga yung kuda ko dito ay libre. Di ko pinagkakakitaan sa gems or views! Siguro mas maingay pa ako if ever! Tah ka,” buwelta ng aktres sa basher nitong Martes.

Sa isa pang tweet kinabukasan nang Miyerkules, muling pinaringgan ni Alex ang kaniyang mga bashers.

Screenshot mula sa Twitter

“One tweet mo lang about the pandemic, masama na kaagad sa trolls? FYI, buong mundo may covid! Konti pa lang nakakabangon. I pray isa tayo sa mga yun soon,” wika ni Alex

“Nakakamiss maglipstick at magwork na ‘di takot! Masama ba yun? Palibhasa bayad ka dyan sa keyboard mong galing ng 11.11,” dagdag pa niya, na ang tinutukoy sa huli ay ang malawakang sale sa mga online platform na Lazada at Shopee tuwing Ika-11 ng Nobyembre.

Bago pa man ito, nauna nang nagtweet si Alessandra tungkol sa normal na buhay kung saan hindi na kailangang magsuot ng mask.

Aniya, “I can’t wait for the day na ‘di na kailangan mag-mask. Nakakamiss ngumiti na di kailangang mata ang ngumingiti. Nakaka-wrinkles na ha.”

Screenshot mula sa Instagram ni Alessandra de Rossi

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatulan ng aktres ang kaniyang mga kritiko sa social media.

Hulyo noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng isyu sa ABS-CBN franchise,  ay sinagot din niya ang isang basher na nagsabing bawasan niya ang kaniyang kayamanan at tumulong sa nawalan ng trabaho.

Buwelta ni Alex, tumutulong siya sa abot ng kaniyang makakaya at hindi siya mayaman.

Loading…