Ang AstraZeneca ang nag-require sa private sector na i-donate sa gobyerno ang 50% ng vaccine – Sec. Galvez

Imahe mula sa RMN
  • Nagbigay ng paglilinaw si Sec. Galvez na hindi galing sa pamahalaan ang requirement sa private sector na i-donate sa gobyerno ang 50%  ng vaccine na bibilhin ng mga ito
  • Sinabi ni Sec. Galvez na ang AstraZeneca ang nag-require sa private sectors na bibili sa kanila na i-donate sa gobyerno ang 50% ng bakuna
  • Isa umano sa mga prinsipyo ng AstraZeneca ang magbigay ng equitable access sa COVID-19 vaccine nito

Nagbigay ng paglilinaw si vaccine czar Secretary Carlito Galvez tungkol sa mga nagsasabing isang pahirap para sa private sector ang requirement ng national government na i-donate ng mga ito ang 50% ng COVID-19 vaccine na binili.

Sec. Galvez| Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Matatandaang naglabas ng pahayag si Vice President Leni Robredo hinggil sa stringent requirement umano ng national government sa mga private sector na bibili ng COVID-19 vaccine na i-donate sa pamahalaan ang 50% ng mga bakunang binili.

Sinabi ni VP Robredo na ang requirement na i-donate ng private company ang 50% ng bibilhing bakuna ay makahahadlang sa mga maliliit na kumpanya para makabili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado.

Paglilinaw ni Sec. Galvez, ang AstraZeneca at hindi ang national government ang nagsabi sa private sector na i-donate sa pamahalaan ang 50% ng  mga bibilhing bakuna mula sa kumpanya.

“Wala po tayong agreement sa Moderna, wala po tayong agreement sa Novavax at wala po tayong agreement na Sinovac or other companies na kailangan nilang mag-donate ng 50 percent. Only AstraZeneca demanded the 50 percent,” paliwanag ng kalihim.

Isa umano sa mga prinsipyo ng AstraZeneca ay ang magbigay ng equitable access sa COVIUD-19 vaccine nito.

“Meaning, ang purpose ng private sector ay para ma-balance na ‘yung 50 percent na bibilhin. Ibibigay po iyon sa mga marginalized targeted population ng public sector,” ayon pa kay Sec. Galvez.

Imahe mula sa The WE Forum

“So, sila po ang nag-demand, hindi po ang national government,” paglilinaw niya.

Ang  ibang pharmaceutical companies tulad ng Moderna, Novavax at Sinovac ay hindi nire-require ang private sector na mag-donate ng bakuna sa gobyerno.

Source :

Inquirer, GMA

Loading…