Apply na: Japanese billionaire naghahanap ng 8 na libreng isasama sa space travel paikot sa moon

Imahe mula sa dearMoon
  • Japanese billionaire, naghahanap ng walong tao na libreng isasama  sa paglalakbay sa space sa 2023
  • Ang pre-registration ay bukas na sa March 14, 2021 at ang unang screening sa mga aplikante ay gagawin sa March 21
  • Binayaran ni Yusaku Maezawa ang buong travel cost ng pag-ikot sa moon sakay ng reusable space rocket na tinawag na Starship

Inilunsad ng Japanese billionaire na si Yusaku Maezawa nitong Miyerkules, March 3, ang paghahanap niya ng walong (8) tao na libre niyang isasama sa space travel sakay ng spaceship ng Space X ni Elon Musk.

Imahe mula kay Yusaku Maezawa

Ang orihinal niyang plano ay mga artists ang isasama niya para sa isang linggong paglalakbay sa space na nakatakdang gawin sa taong 2023, subalit binago niya iyon. Ngayon, mas marami na ang maaaring mag-apply.

Aniya, “every single person who is doing something creative could be called an artist.”

Binayaran niya ang buong travel cost ng pag-ikot sa moon sakay ng reusable space rocket na tinawag na Starship.

“I’m inviting you to join me on this mission. Eight of you from all around the world. I have bought all the seats, so it will be a private ride,” anang bilyonaryo.

May dalawang criteria na hinahanap si Maezawa sa mga aplikante.

Una, dapat daw ay handa ang mga ito “to push the envelope” na ang ibig sabihin ay handang lampasan ang mga limitasyon at sumubok ng isang bagay na ipinagpapalagay na mapanganib.

Imahe mula kay Yusaku Maezawa

Ang ikalawa ay handang tulungan ang makakasama sa paglalakbay na gawin din iyon (to push the envelope).

Sa March 14, 2021 ang simula ng pre-registration sa mga nais maging space travelers at sa March 21 naman gagawin ang unang screening sa mga aplikante.

Screenshot mula sa video ni Yusaku Maezawa

Ayon kay Elon Musk, ang pinakamayamang tao sa buong mundo na founder ng Space X at Tesla, malaki ang tiwala niya na  bago sumapit ang taong 2023 ay magagawa ng Starship na marating ang Earth orbit nang ilang beses at sa pagsapit ng 2023 ay ligtas na ang human transport sa space.

Bisitahin ang https://dearmoon.earth/pre-reg.html para sa pre-registration.

 

Loading…