Araw ng klase extended hanggang July 10

  • Academic calendar, ini-extend ng DepEd hanggang July 10 para maabot ang essential learning competencies
  • Bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t-ibang learning delivery modalities
  • Hindi pa tiyak kung babawasan ang summer break bunsod ng bagong polisiya

Ini-extend ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang academic calendar hanggang July 10, 2021, para ma-address ang mga learning gaps at nang maabot ang kinakailangang learning competencies.

Image by DepEd Philippines via Facebook

“These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers,” ang mababasa sa DepEd Order No. 012, series of 2021 na pirmado ni Sec. Leonor Briones.

Maliban sa pag-abot sa required essential learning competencies, bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t-ibang learning delivery modalities.

Naka-schedule sa March 1-12, 2021 ang intervention and remediation for learners; March 15-19, 2021 para sa In-Service Training (INSET) for Teachers. Panahon din ang Linggo ng INSET para makapaglaan ng oras ang mga mag-aaral sa mga non-academic activities katulad ng kanilang hobbies at interests, family bonding at pangangalaga sa kanilang physical at socio-emotional being.

Itinakda namang maganap ang third quarter ng klase mula March 2, 2021 hanggang March 15, 2021 at fourth quarter mula May 17, 2021 hanggang July 10, 2021.

Hindi pa tiyak kung babawasan ang summer break bunsod ng bagong polisiya.

Saklaw ng bagong polisiya ang lahat ng pampublikong elementarya at sekundaryang paaralan sa bansa. Samantala, hinihikayat naman ang mga private schools, technical vocational institutions at higher education institutions na i-implement ang DepEd guidelines.

For illustrative purposes only| Imahe mula sa DepEd-Facebook

Matatandaang nagsimula ang klase sa bansa Oktubre noong nakaraang taon sa pamamagitan ng online classes at paggamit ng module. Maliban sa internet ay gumawa rin ng hakbang ang DepEd para maiparating ang aralin sa pamamagitan ng TV at radio stations.

Mayroong mga panawagan mula sa mga grupo at mambabatas kaugnay sa pagbabalik ng physical classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 transmissions; bagay na hindi sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa DepEd

Loading…