Archie Comic strip noong 1997 nahulaan ang distance learning sa taong 2021

Imahe mula sa Archie Comics Facebook page
  • Kagaya ng The Simpsoms, nahulaan din ng Archie Comics ang future
  • Sa comic strip na na-publish noong February 1997 ay ipinakita na online na ang pag-aaral
  • Mas bumilib ang ilang netizens sa Archie Comics kaysa sa The Simpsons dahil may ibinigay itong date – 2021 AD

Hindi lang pala ang The Simpsons, isang American animated TV series, ang nakakakahula ng future. Nagawa rin pala iyon ng Archie Comics.

Imahe mula sa Fox

Ibinahagi ng Archie Comics sa Facebook page nito ang isang comic strip na ginawa noon pang 1997 kung saan ang pag-aaral ng mga estudyante sa taong 2021 ay sa bahay lang ginagawa. Wala iyong pinag-iba sa kasalukuyang distance learning  at online classes na ipinatutupad sa mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang pamagat ng 1997 Archie comic strip ay “Betty in High School 2021 AD.”

Ganito ang dialogue ng mga karakter sa comic strip:

Alice Cooper, ang nanay ni Betty: “Betty, school is about to start.”

Betty, habang kumakain ng almusal: “Relax mother I still have all of thirty seconds.”

Hal Cooper, ang tatay ni Betty: “Kids today are so lucky. They’re able to go to school at their own home. They never have to carry books to school…and they never have to worry about the weather.”

Imahe mula sa Archie Comics Facebook page

Sa huling frame ay ganito ang eksena:

Betty, habang nasa harap ng isang desktop computer at tila pinalalabas ng silid ang mga magulang dahil magsisimula na ang klase: “Scuse me folks. Class is about to begin.”

Ayon sa Facebook post ng Archie Comics, ang naturang comic strip ay “originally published in Betty #46 Feb. 1997.”

Imahe mula sa Archie Comics Facebook page

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa post ng Archie Comics:

“And they say The Simpsons always predicted the future.”

“Predicting future… wowo… you and Simpsons in the same boat?”

“So much better than Simpsons because this has a date.”

“With exception of the futuristic clothes and transportation, this comic predicted the future, online classes.”

Imahe mula sa Archie Comics Facebook page
Source :

GMA , Facebook

Loading…